Special Chapter 1

13.1K 493 57
                                    

YVRI ZERENE

"HAXEN!" I called my twinny sister that made her stop from her tracks. "Bakit 'di mo 'ko hinintay?" Nakangusong tanong ko kaya napatitig siya sa akin at bumuntong-hininga.

Ang bilis niya kasing maligo at magbihis, ni hindi man lang ako hinintay kaya nakakatampo. Akala mo hindi kami kambal porque hindi kami magkamukha. Hmp.

"You're slow." Lumabi pa siya na parang walang gana. "Gusto mong buhatin kita?" Alok niya at tumalikod na parang akmang papasanin ako pero agad akong umiling.

Mabait naman si twinny sa akin, talagang tahimik na tao lang. See that? Inalok pa ako dahil siguro akala niya ay nahihirapan akong maglakad? Ah, hindi ko alam.

"Mabigat ako." Dahilan ko at luminga sa paligid para hanapin sila mom at mommy. Nauna na pala sila sa labas.

"Mas maliit ka naman sa'kin." Inosenteng dahilan niya pero napasimangot ako nang marinig 'yon.

"Ba't ka ganyan?" Angil ko dahil sa narinig. Nakakainis siya ah. Hindi 'yon nakakatuwa.

Napanguso ako lalo. I don't know why! We're twins yet---yet---she's taller than me! Hindi naman siya ganoon katangkad, konti nga lang ang lamang niya sa akin pero kahit na. Dapat pantay lang kami. Aish.

"Hmp." Nilagpasan ko na lang siya at nauna nang maglakad palabas ng bahay namin habang siya ay nakasunod naman sa akin.

"Mom!" Pagtawag ko kaya sinalubong niya ako ng ngiti at tumakbo naman ako papunta sa kanya. Napahagikgik na lang ako ng paghahalikan niya ako sa buong mukha.

Today we're.. uh.. visiting my mom's friend. As in close daw talaga sila simula pa lang noon kaya bibisita kami. Malapit na rin pala ang birthday namin ni Haxen. We'll turn six! Hehe.

"Ayos na ba kayo?" Tanong ni mommy kaya sabay kaming tumango ni twinny Haxen.

Pinaupo kami ni mommy sa backseat kaya sumunod na lang ako. Ayoko namang masermonan. Hmp. Tumabi na rin sa akin si twinny na humihikab na mukha pang inaantok.

"Inaantok ka na naman?" Nagtatakang tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.

I pursed my lips to the side. Lagi na lang siyang inaantok. Kaya wala ako laging makausap, eh. Hmp. Pasalamat si twinny at love ko siya. Hehe. Pero paano ko nga siya makakausap kung lagi siyang tulog at tahimik?

"Baby Yvri, magseatbelt ka." Utos ni mommy na agad ko namang ginawa. 'Yung kay Haxen kasi ay nakasuot na. Ako na lang ang wala pa.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang sumisipol. Nagk-kwentuhan kasi sila mom at mommy ng tungkol sa kung ano-anong bagay na hindi ko naman maintindihan. Minsan ay tungkol sa trabaho, madalas ay tungkol sa pagiging under ni mom. Hehe. Love na love kasi nila ang isa't-isa.

Big words!

Hindi rin naman sa akin bago na parehas babae ang parents namin. Sinabi na nila sa amin kung bakit gano'n. Love na love ko kaya sila.

Binalingan ko ng tingin si Haxen at nakitang papikit-pikit siya na mukhang inaantok talaga pero pinipigilan. Hmp. Swerte niya talaga at ako ang naging kambal niya. Hindi ko siya isusumbong ka nanood siya ng movie kagabi kaya siya napuyat.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon