Chapter 6

14.3K 674 208
                                    

HAVRI

ANG LAMBOT nung labi niya!

I swear, lalo na ngayon na mas matagal. Kanina kasi nung kasal namin ay mabilis lang 'yon pero randam ko 'yung lambot. Parang nakaka-addict.

Tapos ang bango pa niya. 'Yung natural scent niya na matamis. Amoy lavender. Basta, parang gusto ko ulit humingi ng kiss.

'Yung reaction naman niya nung nalaman niyang commander ako. Ang priceless eh. Idagdag pa 'yung kasungitan niya na talaga namang nakadagdag sa appeal niya.

How can such person exist? Ang perfect masyado! She looks so freaking gorgeous with that simple dress of hers. Talagang sinabi ko kay Len na pumili ng maganda.

"Havri!" I was startled when someone---my mom---shouted in front of my face!

Nandito pala sila. Ah, kaya pala kumalas si Pharaoh sa halik namin. Nakita kasi kami nung parents ko na mukhang naiinis. Sayang. Istorbo naman sila mom!

"Hello, mom." Bati ko at ngumiti pero humalukipkip lang siya sa harapan ko.

"Don't hello-mom me, Havri. Explain yourself! You just spent twi billion! And now you married someone!" She exclaimed looking pissed.

Napalabi naman ako nang masulyapan si Pharaoh na mukhang nahihiya at mahigpit ang kapit sa laylayan ng dress niya.

"Mo---"

"I-I will repay her," Pagpuputol ni Pharaoh sa sasabihin ko.

Natigilan naman sila mom and dad habang mariin na nakatingin sa kanya---na nakikipagtitigan din sa kanila. Woah, she have the guts to stare at them straight in the eyes.

"Mom, ano bang kinagagalit niyo? 'Yung pera? That's to help her. Tapos hindi ba tinatanong niyo rin ako kung kailan ako magpapakasal? But well.. I did that to help her," I explained but she scoffed.

"I don't care about the money, anak. The thing is.." She heaved a deep sigh with a her brows knitted together. "You got married and you didn't even invite us! Minsan ka lang ikakasal, hindi mo pa kami sinabihan man lang? My goodness!" Naiinis na sabi ni mom kaya napanguso ako. Si dad naman ay bahagya lang natawa.

Alam ko naman na hindi sila magagalit sa ginastos ko na pera. 'Yung kasal pala ang problema nila. Tinakot pa si Pharaoh na mukhang nawiweirduhan sa kanila.

Bahagya akong lumapit sa kanya. "Ganyan talaga sila," Bulong ko at tumango naman siya kahit na nag-aalangan.

"Paano na 'yung pangarap ko na makita kitang magseryoso at lumakad sa altar?" Dagdag pa ni mom kaya napalabi ako.

Lumakad talaga sa altar? Pwede ko namang gawin 'yon kahit hindi ako magpakasal e.

"The food is ready!" Rinig ko pang sigaw ni Len kaya bahagya akong napangiti at tumayo na.

"Let's eat?" Pag-aaya ko pero nagulat na lang ako nang mauna nang maglakad sila mom papunta sa dining area.

Napatingin naman ako kay Pharaoh at sakto naman na tumayo na siya. I pursed my lips to the side at some realization.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now