Chapter 17

13.8K 669 138
                                    

HAVRI

"GAGALA TAYO ngayon, boss." I announced then grinned from ear to ear.

Napairap siya sa hangin na parang nakukunsumi sa akin kaya nawala ang ngiti ko at napanguso na lang. Hmp.

"Saan naman?" Tanong niya at humalukipkip sa harapan ko.

Ganda talaga ni boss. Kaya nabibighani ako lagi e.

Pero bakit ba ang sungit niya sa'kin? Hindi ko talaga gets 'yung ugali niya. Minsan malambing, madalas masungit. Tapos kapag sinusuyo, mas lalong nagsusungit. Bakit ba ganito ang mga babae?

I mean, babae din naman ako pero hindi ako ganyan.

Pero kahit na gano'n, parang mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Nakakahalina masyado e. Nakakatulala at talaga namang nakakabighani! Hehe.

"Sa mall." Sagot ko matapos siyang pasadahan ng tingin.

She's wearing a corporate attire and I swear, bagay na bagay sa kanya. Feels like a high and mighty person is right before me, and I'm willing to bow down.

"At bakit tayo gagala?" May himig ng paghihinala sa tono niya kaya napaisip ako.

"For evaluation and observation. Kung maayos pa ba ang nangyayari sa Aphelion Mall." Nakangusong sagot ko kaya napatango siya. "At saka para makagala. Hehe." Dagdag ko pa at natawa pero nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Okay. Tara." Pagpayag niya kaya napangiti ako ng malaki bago dali-daling tumayo at nagpunta sa harapan niya.

"Kiss muna, dali." Panghihingi ko kaya naningkit ang mga mata niya sa akin pero yumuko din naman para madiin akong halikan sa labi.

Tsup!

Hehe. Ang lambot talaga nung labi ni boss. Nakaka-addict masyado! Gusto ko pa sana kaso magkasalubong na ang nga kilay niya e. Delikado ako.

Inalalayan ko siya hanggang sa makalabas kami ng building at makarating sa parking lot. Pero natigilan ako nang bubuksan ko na sana ang pinto sa driver's seat.

I roamed my eyes around then frowned a bit.

Someone is following us.

Oh? Sila na ba 'yung pumatay sa pamilya ni boss? Wrong timing. She's with the sinner of wrath. Ang lakas naman ng loob nila na sundan kami.

Sumakay na lang ako sa kotse at bahagyang napangisi dahil sa naisip. Why are they following us? I can't point out how many are they, but I'm sure that there are people.

"Boss." Pagtawag ko sa kanya at agad naman siyang nagbaling ng tingin sa akin.

"Yes?"

"I'll protect you." Sabi ko at bahagyang ngumiti. "Pero kapag nakita mong nawawala na ako sa sarili ko, you can run away from me. If my anger starts to consume me, stay away and leave me." Seryosong pahayag ko kaya kumunot ang noo niya.

"Havri, what are you saying?" Nagtatakang tanong niya.

"I'm serious." Huminga pa ako ng malalim habang nagd-drive.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now