Chapter 41

9.1K 454 66
                                    

WARNING: This chapter contains Mature Content (Violence) that is not suitable for young readers. Please proceed with caution.

READ AT YOUR OWN RISK.

_____

MAKIKITA ANG galit sa mga mata ni Havri nang makita ang kalagayan ng asawa. Tumutulo ang luha niya pababa ng pisngi at napakadilim ng mga mata nito. Nagngitngit ang kalooban niya at nakatiim ang bagang.

The commander of the sin of wrath is mad and hurt. Labis siyang nasasaktan na makita ang asawa sa kalagayan na 'yon. Para siyang paulit-ulit na pinapatay dahil sa nasasaksihan.

Pharaoh is tied up in the bed, almost naked, and crying in fear. That sight is enough to fuel the anger of the sinner. Galit siya dahil sa nakikita at galit siya dahil nasaktan ang asawa niya. Galit siya sa mga taong nanakit sa babaeng mahal niya.

Sa gilid ng kama ay may dalawang lalaki na nakahubad ng pang-itaas, at may nakabaon na palaso sa mga braso nila habang si Yuri ay hindi inaasahan na makikita si Havri dito, dahil sa pag-aakala na matatagalan ito sa pinuntahan na laban. It was all planned after all. Na kukunin nila si Pharaoh sa oras na umalis ang asawa nito.

Binalot sila ng katahimikan at tanging tunog lang ng orasan ang maririnig sa buong silid. Lahat ay natahimik dahil sa nakikita at nararamdamang galit ni Havri. Maging ang panahon ay parang sumasabay sa galit niya.

Sukat doon ay narinig ang mahinang pagtawa ni Havri habang tumutulo pa rin ang mga luha. Napahawak siya sa gilid ng ulo niya na parang nasasaktan at makikita ang pagngingitngit ng mga ngipin. Hindi matigil ang luha niya at nasasaktan din ang kalooban niya dahil sa galit na nararamdaman. Doble ang balik sa kanya ng sakit kapag nasasaktan ang asawa niya.

"H-Haha.. y-you hurt her.." Nanginginig na bulong ni Havri na pinipigilan ang sarili na malamon ng galit, pero hindi na niya kaya. Sumasakit ang ulo niya dahil sa pagpipigil pero hindi pa rin magawa at sa isang iglap---

Tumayo ang makasalanan ng diretso, bahagyang nakayuko at hindi makita ang mga mata dahil sa iilang hibla ng buhok na nakaharang dito. Hindi man nila makita ang mukha niya pero mararamdaman ang galit ba bumabalot sa buong silid.

Havri isn't herself again. She lost herself to the flames of anger again.

Sa isang iglap, inatras ni Havri ang isang paa at bahagyang binaba ang katawan para bumwelo habang hawak ang espada sa tagiliran niya. Alam na ni Yuri ang mangyayari kaya hinawakan niya rin ng mahigpit ang espada na pagmamay-ari niya.

Then there the commander goes, mabilis na tinakbo ni Havri ang pagitan nilang tatlo at nagulat na lang si Yuri nang hindi siya ang puntiryahin ni Havri! Natulala siya sa nangyari at hindi agad nakakilos sa ginawa nito.

Sa kabilang banda, nakikita ni Pharaoh ang asawa niya. Galit ito hindi lang dahil sa nakikita nila kundi nararamdaman. Hindi nakakatakot ang mukha niya ngunit ang presensya niya ang nagbibigay ng kilabot sa mga tao.

Nakikita niya rin na parang wala ito sa sarili. Walang emosyon ang mukha ni Havri at napakadilim ng ekspresyon ng mga mata nito.

"A-AHHH!" Hiyaw ng isang lalaking nagtangkang manakit at gumahasa sa asawa ni Havri nang sabunutan siya nito para itayo at gano'n na lamang ang gulat niya nang itarak nito ang hawak na espada sa hita niya!

Napadaing siya at hahawakan pa sana ang parte na 'yon nang itulak siya ni Havri pahiga at sunod na itarak ang espada sa kamay nito---hanggang sa maputol! hindi pa siya nakuntento at sunod-sunod na ginawa niya 'yon sa iba't-ibang parte na hindi ikakamatay ng lalaki. Lahat ay nangyari sa isang mabilis na galaw lamang.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now