Chapter 25

12.7K 565 110
                                    

PHARAOH

"KUNG GANYAN lang din, maghiwalay na lang tayo." Nakasimangot na ungot nung bata na masama ang tingin sa akin pero imbes na mainis at natatawa ko siyang tinignan.

As if naman iiwanan niya talaga ako. Subukan niya lang at lulumpuhin ko siya. But, yeah. Ayan na nga. Mamaya na ang noche buena pero ganyan ang mood niya. Akala mo inaapi siya.

"Walang nakakatawa, Yxen." Nakasimangot ulit na dagdag niya. 'Yung parang batang ginalit mo? Gano'n ang itsura niya ngayon.

And now, tinawag niya na talaga ako sa first name ko. Seryoso na nga 'yung bata pero kapag naiisip ko talaga 'yung dahilan ay natatawa ako. Seriously?

"Kainis ka naman, eh! Nagpapakahirap ako sa trabaho para sa'tin, nagpupuyat ako ng madalas para samahan kang manood tapos---!"

"Baby!" Pagtawag ko pero hindi ko talaga maiwasang matawa nang masama ang tingin na binigay niya sa'kin!

"Bakit?" Pumadyak-padyak pa siya sa lapag na parang bata habang yakap ako sa baywang kaya napahagalpak ako ng tawa!

Ang cute!

She groaned in annoyance then pulled from the hug. "Bahala ka. Pagkatapos kong magpakahirap maglinis, maglaba, at pati pag-akyat sa puno para lang makakuha ng mangga na isasahog mo kasi naubusan ka sa mall? Ang damot mo---"

"Baby." Mahinahong pagtawag ko pero nakangiti sa kanya ng marahan para kumalma na 'yung bata.

"Anooo?" Para siyang batang maiiyak! Namumula siya at nakanguso! F*ck! How can she be this adorable?

"Hindi ka lang na-kiss?" Tanong ko pero mas lalo siyang ngumuso at natahimik.

Natatawang tinulak ko siya sa sofa kaya napaupo siya doon at agad naman akong naupo sa lap niya para mahalikan siya sa labi.

I tilted my head to the side as I capture her lips using mine. Kumapit na din ako sa batok niya para idiin siya sa akin at gano'n din siya sa baywang ko.

Her lips feels so soft against mine. I could feel the butterflies in my stomach as I savour this feeling. How I love it. She's really adorable in any way.

And yep. Hindi ko siya binibigyan ng kiss kahit anong panghihingi ang gawin niya kanina pa. Ang damot ko daw kaya para siyang batang inaapi. Gusto ko lang talagang asarin siya.

She nibbled on my lower lip. Sucking and gently biting it. The kiss is passionate and gentle. Hindi mapaghanap pero nananabik. Feels like we're talking about our feelings and not lust through the kiss.

Siya na ang unang kumalas sa halik at hinalikan pa ako sa noo at may sinusupil na ngiti. Addict siya sa halik ko. But as if naman pwede siyang humalik ng iba bukod sa akin. Subukan niya lang at magkakagulo kami.

"Okay ka na?" Tanong ko at umalis ng pagkakaupo sa lap niya para umupo sa tabi niya.

"Pwedeng ano?" Pangungilit niya at hinila-hila pa ang laylayan ng suot kong damit.

Mukha na naman siyang batang tuwang-tuwa na may naiisip na kalokohan. 'Yung parang may gustong gawin na sinasabi niya ngayon sa nanay niya? Ugh.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora