Chapter 4

14.8K 686 45
                                    

PHARAOH

"DO YOU, Yxen Pharaoh Hillton, take Havri Vocski Aphelion to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do you part?"

Napalunok naman ako sa tanong ng pari at wala sa sariling tumango. "I-I do.." I whispered enough for them to hear while staring at this girl in front of me named Havri.

It feels like I am under her spell. Hindi ko na naalis ang titig ko sa kanya simula pa kanina at kusa na lang akong napapasunod sa mga gusto niya!

"I pronounce you, wife and wife." Narinig kong may pumalakpak pa at impit na tili na parang kinikilig. "You may now kiss your bride." Anunsyo pa ng pari kaya natigilan ako at napakunot ang noo.

K-kiss? Halik?

Anong---?!

Tsup!

Nanlaki bigla ang mga mata ko at bahagya pang napaawang ang labi nang bigla akong hinatak ni Havri sa baywang at mabilis akong hinalikan sa labi!

Sandali lang 'yon pero ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang mga labi niya! S-She kissed.. me?

Ang lambot sa labi ko, it feels like it perfectly fits mine and I don't know why! Halik 'yon! HALIK!

What the f---freak?!

Natauhan na lang ako nang maramdaman na hinahatak na niya ako para kuhanan kami ng picture! Ang laki din ng ngiti niya sa camera na parang natutuwang bata.

Tinutok sa amin ag camera kaya ngumiti ako kahit na pilit habang nakapulupot ang braso ni Havri sa baywang ko.

Nang matapos ay napakurap-kurap ako at napahinga ng malalim. I suddenly felt frustrated.

It was so damn fast. A-anong nangyayari? Totoo ba 'to? Kinasal ako ngayon lang? Kay Havri na bata pa at.. babae?

Okay. That's not the issue here---but the wedding itself! Kinasal ako! KASAL! What the hell! Ni hindi pa nga ako nagka-boyfriend, tapos kinasal na agad ako?

Parang sasabog ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Nalilito ako masyado at naguguluhan. Ang sakit masyado sa ulo!

This is so f---freak up! So annoying! Frustrating! Ugh!

Naalala ko tuloy ang usapan namin kanina, kung bakit ako biglang kinasal!

What have I done?

_____

I feel disappointed.

Pagkagising ko ay wala na pala siya sa tabi ko. Where did she go? Bakit hindi niya ako ginising?

I heaved a deep sigh at the thoughts. Bumangon na lang din ako. I think this is her room. That girl.. Havri Aphelion! Damn! She's not just an ordinary person, but an Aphelion!

I swear, they're so damn wealthy compared to us. Makapangyarihan din sila at talaga namang kinatatakutan nang halos lahat ng nakakaalam!

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora