Chapter 48

11.3K 415 82
                                    

HAVRI

"ANAK?" RINIG kong pagtawag sa akin ni mom kaya sumilip ako sa pinto mula sa pagkakatalukbong ko ng kumot at pagkakahiga sa malambot na kama.

"Yes, mom?" Tanong ko pero nanatili akong nakahiga sa kama at sinulyapan lang siya.

It's Sunday at kahit na gusto kong pumasok sa trabaho ay ayoko. I don't wanna see that woman again in my office. Ayoko. Malamig din ang panahon na parang uulan pa kaya dito muna ako.

Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga magulang ko. It's better to be here. At least hindi niya ako magugulo doon sa bahay ko. I don't care if we're still married. Ayoko sa kanya.

Ayoko nga ba?

Napabuntong-hininga na lang ako. Naupo si mom sa gilid ko at pinagkatitigan ako ng mariin kaya yumakap ako sa baywang niya. "Is there something wrong?" Marahan na tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko pataas.

I love my mother's warmth. Siya lang din ang napagsabihan ko ng mga problema ko sa nakalipas na taon. She knows everything. She knows my pain. She's a mother after all. Kahit na hindi ako magsabi ay alam niya. Siya rin 'yung nandyan para sa akin hanggang ngayon. How grateful I could be.

"She's back." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita na tumango siya.

Ang lambot ng expression sa mukha ni mom na parang ayaw akong masaktan. She's a great mother, indeed. Natutuwa ako dahil doon.

"Hm-mm. She is. How do you feel?" Marahan na tanong ni mom na parang ingat na ingat na baka masaktan ako sa tanong niya.

How do I feel about that woman, huh? Ano nga ba? Pati ako ay naguguluhan na. Hindi na ako sigurado. Hindi ko na masabi na wala akong pakialam tulad noon. Hindi ko na masabi na wala akong ibang nararamdaman dahil meron.

"Bumalik siya na parang walang nangyari." Sagot ko habang kinukutkot ang laylayan ng suot niyang white dress.

Naalala ko 'yung usapan namin ni Yxen no'ng nakaraang araw pa. Ilang araw na din akong hindi nakakapasok sa trabaho dahil nga sa nangyari. Ayoko nang balikan kung ano man ang nangyari sa nakaraan dahil masakit. 'Yung pilit kong tinatakasan na sakit ay bumabalik na naman. I even cried in front of her. As much as I want to, ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya but that's already done. Hindi ko na mababawi 'yon.

"It's not like that, anak." Malambing na saad niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko. "Do you still love her?" Diretsong tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan kaya natigilan ako at napalunok nang wala sa oras.

Sinubsob ko ang mukha ko sa baywang ni mom dahil ayokong sagutin ang tanong niya. Ayokong sumagot dahil ako mismo ay hindi sigurado. After all these years, only Yxen can make me feel something again. Sa mga nakalipas na taon ay nasabi kong hindi ko na siya mahal. Na wala na akong nararamdaman pero.. parang lahat ay biglang nagbago.

"Silence means yes." Nag-angat ako ng tingin kay mom na may sinusupil na ngiti sa mga labi. Natutuwa ba siya? "Why don't you give her a chance? Sinasaktan mo ang sarili mo, anak. Kung magiging masaya ka naman sa kanya, why not?" Marahan na tanong niya pero umiling lang ako.

Bakit ba parang mas excited pa si mom kaysa sa akin? Ugh. Hindi ko siya maintindihan. Porque alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak ko noon, ngayon ay alam niya ring si Pharaoh pa rin ang makakaalis nitong pangamba na nararamdaman ko.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now