Chapter 47

10.8K 460 107
                                    

PHARAOH

A SMILE CREPT on my lips the moment I opened my eyes.

Agad na bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi nang magkita kami ni Havri. I just know that she can't say no to me with that matter. I'm happy. Just thinking about it is enough to make my heart beat faster than the usual.

The beating of my heart that only Havri could do.

We made love again after years. She owned me 'till we fell asleep. The way she move, the blissful pleasure, the way she kiss me is still the same. Nagbago nga ang pakikitungo niya at itsura pero gano'n pa rin ang paraan niya ng paghawak sa akin.

It's gentle and dangerous at the same time. Pero kagabi ay hindi siya gaanong maingat. I could feel the aggressiveness with how she moves. I could feel her longing.

Ngayon ay paano ko siya susuyuin? I already did the first move. I gave myself to her as a whole and I'm willing to do it over and over again. I am hers after all. I'll always be hers.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko pero kahit na gano'n ay masaya ako. Havri didn't reject me last night. She owned me. Ang sakit rin ng katawan ko lalo na ang gitnang bahagi. Ramdam ko ang mga iniwan niyang marka sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Inunat ko ang braso ko at dahan-dahang humarap sa gilid ko kung saan nakahiga si Havri---

Huh?

Natigilan ako nang unan na lang ang makita sa tabi ko. Ni walang bakas ni Havri kaya kumunot ang noo ko at agad na bumangon at sumandal sa headboard ng kama kahit na ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Tanghali na rin pala but hell. Don't tell me iniwanan niya ako nang mag-isa dito pagkatapos ng lahat kagabi?

Dali-dali akong tumayo at kinuha ang nakasabit na bath robe sa gilid para isuot. Wala namang tao rito sa bahay niya kaya ayos lang na ito ang suot ko at talagang ramdam ko ang puyat sa sistema ko.

"Havri? Baby?" Pagtawag ko habang bumababa ng hagdan at kinukusot ang mata ko.

Nagpunta ako sa sala, sa banyo, sa kusina, and even the garden. Pati likod ng mansyon pero napagod lang ako at parang nasayang ang paglalakad ko dahil wala akong nakita ni anino niya. F*ck. Ang sakit talaga ng gitna ko. It feels sore.

I groaned in annoyance. Para na naman akong sinasaksak nang paulit-ulit dahil sa ginawa niya at sa mga naiisip ko. She left me after that steamy night! Basta na lang niya akong iniwan! Anong tingin niya sa'kin? Pang-one night stand? Ugh! Havri!

Nagngingitngit ang kalooban ko sa pagkairita at sama ng loob. Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin kagabi ay basta na lang niya akong iniwan? Napaupo ako sa may kusina at nangingilid ang luha ko dahil sa inis at sakit. Naghahalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko but one thing is for sure, I'm hurt.

So that's it? Pagkatapos masarapan ay iiwanan? Alam ko namang ako rin ang mali sa pagkakataon na 'to, but where's the f*cking respect? Ni hindi man lang niya ako ginising? Walang pasabi? Basta na lang iniwan porque bahay niya 'to? Mas importante ba 'yung ginagawa niyang trabaho kaysa sa akin? Usually naman ay makikita ko na lang siyang masipag at nangungulit sa akin pagkatapos naming---damn.

"F*ck!" Gigil na mura ko at napahilamos sa mukha pero natigilan nang may makitang puting papel na kasing-liit ng card sa lamesa dito sa kusina.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now