Chapter 21

12.2K 566 67
                                    

HAVRI

"MOM, I'M not a kid anymore." Nakasimangot na reklamo ko kay mom na tinutulungan akong magbihis.

"Nope. You're still a kid. Twelve ka lang, anak." Pagkontra niya.

I groaned in annoyance then pouted. Natawa siya at pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko bago halikan sa ulo.

"Tara na. Your dad's waiting." Pag-aaya niya at hinawakan ako sa kamay.

May dinner kami ngayon kasama ang business partner nila dad. Hindi ko nga lang kilala kung sino pero ang sabi ay malapit daw sila sa pamilya namin, at ngayon nga ay gusto nila akong isama.

Inalalayan pa nila akong sumakay sa kotse namin at naupo ako sa backseat. Pati ang paglalagay ng seatbelt ay si mom na ang naglagay na ngayon ay nasa passenger seat.

Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana habang bumabyahe. Ang lamig! Tapos nakasuot pa ako ng short. Ayoko kasi ng dress.

Hmm..

Dapat pala ay sinama ko si Len para may kasama ako. Siguradong puro business na naman ang pag-uusapan nila at mabo-bored lang ako. Aish. O kaya ay dapat nagpaiwan na lang ako sa bahay!

"Havri, anak. Behave, okay?" Paalala ni mom nang makarating kami.

Patalon akong bumaba sa kotse at ngumiti sa kanya ng malaki. Hmp. Lagi na lang nilang sinasabi na puro kalokohan ang alam ko. Nagulat pa ako nang buhatin ako ni dad sa braso niya!

"Dad naman e. Malaki na ako oh." Reklamo ko ulit pero umiling lang siya.

"No. Bata ka pa. We know you very well, anak."

Napasimangot ako lalo. It's embarrassing! Ang laki ko na pero binubuhat pa ako sa ganitong paraan. Naman e! Twelve na kaya ako! Twelve!

"Dad.." Ungot ko pa pero natatawang umiling lang siya.

Pumasok kami sa loob ng isang mansyon. Malaking mansyon pero mas malaki ang sa amin at modern din ang style! Ang ganda.

Nilinga ko ang paningin sa paligid at marami ang mga tauhan nila na sumalubong sa amin. Sukat din doon ay may lumabas na isang pamilya!

Sa tingin ko ay 'yung mag-asawa ang kaibigan nila mom and dad, tapos may isa pang babae na sa tingin ko ay anak nila pero natulala pa ako habang nakatitig sa kanya.

She's gorgeous!

Dali-dali akong nagpababa kay dad nang makipag-kamay sila sa kanila. Ngumiti ako ng malaki at lumapit para iabot din ang kamay at nakatingala sa kanila. Hehe.

Natawa sila dahil sa ginawa ko pero nakipag-kamay din naman sa akin. "What's your name, hija?" The man asked.

"Havri po." Magalang na sagot ko.

Gano'n din ang ginawa ko sa asawa niya na mukhang tuwang-tuwa. Pati ang parents ko ay natatawa pero 'di ko naman alam kung bakit. Nakipagkamay lang naman ako ah? Hindi ba't gano'n sa business?

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now