Chapter 26

12.5K 468 29
                                    

WARNING: This chapter contains MATURE CONTENT (R-18) that is not suitable for young readers. Please proceed with caution.

READ AT YOUR OWN RISK.

_____

HAVRI

TIME FLIES so fast.

As in! Parang kahapon lang nung nag-pasko, ngayon ay matatapos na ang buwan ng Enero.

So far, so good ang relationship namin ni boss. Mas lalo akong nai-inlove sa kanya. Mas lalong lumalalim 'yung nararamdaman ko kaya natatakot na ako. I'm scared to be left alone, lalo na't parang wala siyang balak mag-stay kapag natapos na ang lahat.

Bumuntong-hininga ako. That thought is saddening. She promised me that she'll stay as long as I want her to, but is she really going to do that? Or is it just a lie?

Napailing ako sa mga negatibong naiisip ko. Masyado lang siguro akong preoccupied these past few days kakaisip sa mga bagay-bagay.

"Havri." I blinked. Nag-angat ako ng tingin at seryosong mukha ni Helen ang bumungad sa akin.

"Yes?" Tanong ko at binaba ang mga paa kong nakapatong sa lamesa para umayos ng upo.

"May tatanong ako."

I frowned. Bakit ba masyado siyang seryoso? Kinabahan tuloy ako dahil para akong bibitayin sa paraan niya ng pagsasalita. Ano namang itatanong niya?

Umupo siya sa tapat ko at lamesa lang ang pagitan namin. "You already know who it is, right?"

Huminga ako ng malalim at sumandal sa swivel chair bago siya binalingan ng tingin. Pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng gana dahil sa narinig. Lakas talaga ng pakiramdam ni Helen.

"And?" Tanong ko pero isang buntong-hininga lang ang narinig ko sa kanya.

"Bakit hindi mo pa sabihin sa asawa mo, Havri?" Medyo lumambot na ang ekspresyon niya pero umiling lang ako.

Yes. I already know who it is but still, as if something wasn't right. May hindi tama sa nalaman ko pero kung totoo man 'yon ay.. ayoko pa rin na sabihin.

I'm being selfish here. I don't like the idea of my wife, leaving me. Ayokong maiwanan mag-isa. The people in my life can leave but not her. Ayoko..

When we talked, bago mag-pasko, nung sinabi niyang mananatili siya ay alam kong hindi siya sigurado doon. She's not sure if she'll stay with me. Am I bad for thinking this way? For not telling her?

Yeah. I am. I'm a sinner after all.

"Ayokong iwan niya ako." Diretsong sagot ko kay Len pero sa iba ako nakatitig. Sa picture namin ni boss dito sa opisina ko.

Ang ganda ng ngiti niya dito. Ito 'yung kuha nung pasko na naka-costume kami. Tsh. Pinagtrip-an talaga ako. Sa elf pala 'yung pinasuot niya sa'kin at hindi kay Santa. Late ko na nga nalaman 'yon.

Helen look at me with sympathy. "But she deserves to know." May tono ng pagpapaintindi sa akin ang boses niya.

Napayuko ako at pinaglaruan ang ballpen sa lamesa. Alam ko naman 'yon. Pharaoh deserves it kasi pamilya niya ang namatay. They deserve the justice. Pinangako ko din sa kanya na tutulungan ko siya pero anong ginagawa ko ngayon? Keeping it as a secret.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now