Chapter 15

13.8K 605 112
                                    

PHARAOH

"BOSS." Hinila-hila ni Havri ang laylayan ng suot kong damit kaya sinulyapan ko siya pero agad din na binalik ang tingin sa screen ng laptop.

She groaned in annoyance. Para siyang batang sinusumpong dahil kung nakatayo lang kami ay siguradong pumadyak-padyak na siya sa lapag. 'Yung parang bata na gusto ng atensyon pero hindi mo binibigyan? Gano'n.

"Ano ba kasi 'yang pinapanood mo at hindi mo 'ko pinapansin? Anong oras na oh!" Tinuro niya pa ang alarm clock sa bedside table pero hindi ko pinansin.

I am currently watching a K-drama. Romantic Doctor 2, katatapos ko lang kasi nung season 1 nung isang linggo at ngayon lang ulit ako nagka-time para manood.

"Pharaoh!" Pangungulit niya pa at pinagdiskitahan 'yung unan na wala namang kamalay-malay. Pinisil-pisil niya 'yon at maya't-mayang binabalibag sa kama. Ugh.

"J---Just shut up, baby. Hindi ko maintindihan." Pagpapatahimik ko at mukha namang effective.

Oh, right. I have an endearment for her already. I'm sweet, right? Mukha din namang okay lang sa kanya at ngayon ay natahimik---

"What are you doing?" Tanong ko nang iangat niya ang braso ko at binuhat ang laptop para siya ang pumalit!

Ugh!

Kaya ang nangyari ay siya ang nakaupo sa lap ko at hawak niya ang laptop. Nakasiksik din siya sa akin na parang batang nagpapalambing. She's in between me.

I almost forgot. Gabi na pala pero heto at gising pa kami. Anong oras na. Nakahiga na rin kami sa kama pero hindi naman ako makatulog kaya nanonood ako, then there's this annoying Havri of mine.

Niyakap ko na lang siya mula sa likod. I swear, these past few days, naging clingy siya bigla sa akin. Kahit saan ako magpunta ay pakiramdam ko ay nakatitig pa rin siya sa akin. It's not that creepy but it's bothering me. 'Yung paraan kasi ng pagtingin niya ay parang wala na siyang ibang makita na kaaya-aya sa paningin niya kundi ako.

I mean, that's true. Ang ganda ko e, sinong hindi maaapektuhan ng gano'n? Hindi ako mahangin, I'm just stating the obvious.

"Ano ba 'yan boss. Gabing-gabi, nanonood ka ng madugo. Tignan mo oh!" Tinuro niya pa ang laptop.

Yeah. Right. Coming from her.

"Can't you just shut up and watch with me? Andami mong reklamo." Pagpapatahimik ko at kita ko ang pagsimangot niya kaya hinalikan ko siya sa pisngi para mawala.

"Who in the world told you that I don't?"

Bahagya akong napangiti nang maalala ang linya na 'yon mula sa kanya. She may not admit it directly but I get it. Sa mga araw na nakalipas ay ramdam ko naman na gusto niya rin ako.

The feeling is mutual, damn.

Sinilip ko ang mukha niya at nakitang mapungay na ang mga mata niya pero pinananatili ang sarili na manood din kasama ko. Napailing na lang ako bago ako na mismo ang nagpatay sa laptop at tinabi 'yon sa gilid.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at bahagyang humikab. "Akala ko ba nanonood ka pa?" Nagtatakang tanong niya kaya hinaplos ko siya sa buhok para mas lalong makatulog.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now