Chapter 31

10.4K 464 32
                                    

HAVRI

MY BACK hurts.

Bakit gano'n? Ni-wrestling kasi ako ni boss kaya masakit. Porque natuto na siya, binabalibag na lang ako basta-basta. Pero sabagay, sino ba naman ako para gumanti, 'di ba? Swerte masyado si boss. Hmp.

Napanguso ako ako dahil sa sakit. Ang hapdi! Siguradong may pasa na ako sa likod. Umiling na lang ako para iwaksi sa isip ang sakit at ini-unat ang braso ko para masahiin ang balikat.

I'm here in Evion's coffee shop. Dapat talaga ay bibili lang ako pero heto, nauwi sa kwentuhan namin. Naupo ulit ako sa inuupuan ko habang nasa harap ko si Evion na nakahalukipkip.

"Bakit ba masakit likod mo?" Kunot-noong tanong niya kaya napahinga ako ng malalim.

"Ganito siguro kapag nag-aasawa na." Nguso ko at nag-iwas ng tingin. "Bakit gano'n? Mabait naman ako sa asawa ko pero binabalibag ako? Battered wife na ba tawag do'n?"

Natahimik ako sandali at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi ko at napasinghap! Battered wife?! Napangiwi na lang din ako. Seryoso? Ako? Grabe naman. Harsh lang naman si boss.

"Battered wife. Tsh. Under ka lang." Pang-aasar niya at humigop ng kape.

"Kung alam mo lang kung gaano nakakatakot si boss." Reklamo ko pa pero binigyan niya lang ako ng walang ganang tingin.

Mabait naman talaga si Evion, heto nga at sinasamahan pa ako dito. Hehe. Wala rin naman kasi masyadong tao dito kaya okay lang.

"Yeah. Right. Hindi ka naman natatakot sa kahit na sino pero ngayon. Tsk, tsk." Pagpalatak niya na halatang inaasar ako!

Bakit nga ba kaibigan ko siya? Bakit? Grabe talaga! Nakakainis na ah. Bakit ako 'yung naaasar? Pagdating talaga kay boss ay ganito na ako. Hmp.

"Nasaan pala si Fin?" Pag-iiba ko sa usapan at nilinga ang paningin sa paligid.

Si Fin na madalas din nandito para manggulo bukod doon sa mainitin ang ulo na professor who happened to be Parixia. Sila ang magkasundo, eh. Bilib na din talaga ako kung paano nagt-tyaga doon 'yung huli. Ayaw pa naman no'n sa maingay. Ang sungit-sungit.

"Wala. Nandyan lang 'yon sa tabi-tabi. Busy siya these past few days. May inaasikaso daw." Sagot ni Evion.

Kinuha ko rin 'yong Iced coffee na iniinom ko. "Ah. E ikaw?"

Tumaas ang mga kilay niya sa masungit na paraan. Maganda si Evion, ah. Imposibleng wala pa 'tong lover. Bata pa rin naman siya. She's twenty-three if I'm not mistaken.

Tinignan ko ang oras sa relo ko at nakitang maaga pa naman para bumalik sa kompanya. Dito muna ako. Hehe. Busy din naman si boss.

"Anyway, I think kailangan tayo ni Ferish." Pabulong na sabi ni Evion at luminga sa paligid kaya sumeryoso ako habang nakikinig sa kanya. Iniiba niya ang usapan ah. "Remember before? 'Yong mga taong pumapatay sa paligid niya? Maybe not now, pero gusto na niyang tapusin." Kwento niya at agad naman akong tumango.

It would be my pleasure to help. One call away lang naman ako. Hehe. Unless may mas importante akong gagawin tulad na lang ni boss.

"O---"

Magsasalita pa sana ako nang maputol dahil may nahagip ang paningin ko nang luminga ako sa paligid. Hala! I grinned then stood up. Ngayon ko lang ulit siya nakita!

"No, Havri---!" Hindi naituloy ni Evion ang pagpigil niya sa akin nang tumakbo ako sa direksyon ni Wician at akmang yayakapin siya nang---!

"Aray!" I exclaimed! Muntik na akong sumubsob sa counter at buti na lang ay naitukod ko ang mga kamay ko! Kainis ah!

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now