Chapter 9

14.4K 767 406
                                    

HAVRI

"MAGTA-TRABAHO ka o hindi?" Madiin na tanong ni Pharaoh at talagang nakataas ang kilay!

Bahagya pa akong napanganga pero agad din tinikom ang bibig at tumikhim.

"M-Magt-trabaho na nga.." Pabulong na sagot ko at napanguso pagkatapos niya akong irapan at talikuran para pumunta sa sarili niyang opisina.

A-Anong nangyayari? Aish! Hindi ko magets! Hindi ba't ako 'yung boss? Ako 'yung CEO? Ako 'yung nakabili sa kanya? Eh bakit parang mas matapang pa siya kaysa sa'kin?

Nakaka-stress!

A-Ako dapat 'yung gano'n eh. Anong nangyari? Ito na ba? Ito na ba ang symptoms ng pagiging under?

Sandali.. natigilan ako dahil sa naisip.

Under ako?

H-HALA!

Hindi pwede! Hindi ako pwedeng maging under lang!

Napasimangot na lang ako dahil sa naiisip at napahilot sa sentido ko na biglang sumakit dahil zñsa naisip---

"Havri! Kapag naabutan kitang walang ginagawa dyan, 'wag kang su-sweldo!"

Napapitlag pa ako nang sumigaw siya mula sa loob ng isa pang room dito sa opisina ko. Yep. May isa pang room para sa secretary.

"Gumagawa na!"

"Sinisigawan mo 'ko?!" Napangiwi na lang ako bago sumagot ulit.

"H-Hindi ah.."

Paano niya kasi ako maririnig kung hindi ako sisigaw, 'di ba? Tapos ang sungit! Grabe, buti na lang at mahaba ang pasensya ko!

Ang sungit niya, sobra. Parang mas nadagdagan simula nung nagkiss kami! Ilang araw na nga ang nakalipas simula no'n pero 'yan. Ganyan siya sa'kin. Laging mainit ang ulo kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

At oo, siya ang nagdedesisyon sa sweldo ko. Ang saklap naman no'n. Secretary ko siya eh, secretary! Bakit pati sweldo?

Ang unfair daw kasi kung wala naman akong ginagawa tapos ang laki ng sweldo ko. Walang ginagawa? Meron kaya!

Ang bait-bait ko nga e.

Sa mga nakalipas na araw ay okay naman kami ni Pharaoh kahit na masungit siya sa'kin. Mabait naman at---

Iniwan na ako ni Len.

I mean, hindi na siya sa bahay ko nakatira para may privacy daw kami ni Pharaoh. Anong privacy naman? Hmp.

Kaya siya ang taga-luto kahit na may ibang maid naman sa bahay. I mean, ginagawa niya 'yung.. wife duties? Parang gano'n.

Pero ayan. Siya ang boss sa aming dalawa. Akala mo laging nagp-pms. Pang-ilang buwan na ba niya 'yan? Sobrang linis na siguro ng dugo niya.

I pursed my lips to the side then continued what I am doing. Puro pirma ko lang naman ang kailangan kasi siya na ang nagbasa at nag-asikaso ng mga proposal.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora