Chapter 24

12.3K 507 32
                                    

PHARAOH

"UULIT KA pa?" Madiin na tanong ko dito sa makulit na bata at naningkit ang mga mata nang sumimangot lang siya. "Tinatanong kita, Havri." Nauubusan ng pasensya na dagdag ko.

Agad siyang umiling sa nanghihinang paraan kaya huminga ako ng malalim. Ugh. Lumapit na rin ako sa hinihigaan niya at yumuko para halikan siya sa noo at haplusin ang pisngi. Hininaan ko na din ang aircon dahil ginaw na ginaw siya.

"Bakit ba kasi ang kulit mo? Ngayon magpa-pasko kang may sakit ka?" Marahang tanong ko.

Paano ba naman at sinong hindi magagalit na nagpaulan siya kahapon? Hindi ko naman alam na mabilis siyang magkasakit. Ang sabi niya ay may kinuha lang daw siya kaya siya naulanan sa labas ng kompanya. Malapit na rin ang pasko at ilang araw na lang pero heto, hindi man lang siya makatayo.

"Hush, baby. Just rest." Pagpapatahimik ko sa kanya nang akmang may sasabihin pa siya. "Ako nang bahala sa trabaho mo, hm?" I reassured her but she shook her head slowly and weakly in return.

"S-Stay.." Nanghihinang bulong niya kaya parang nahabag ako.

She really looks weak. Namumutla siya at hindi makakilos ng maayos. Ang taas kasi ng lagnat niya at masyadong pinapagod ang sarili. She looks pale and drained. I swear, it's so freaking hard to see her like this.

"I will stay, baby. Shh.. dyan lang naman kasi ako sa opisina nitong mansyon." Paliwanag ko pero nanghihinang tingin lang ang binigay niya sa'kin. "Fine. I'll stay here with you, pero hanggang sa makatulog ka lang. After all the work, you can have all my time. Sounds good?" Pakikipagnegosyo ko sa kanya.

"Y-You stay here.. don't leave.. a-and.. leave the work." Kondisyon niya din kaya napahinga ako ng malalim habang nakaupo dito sa gilid niya.

Halata nang inaantok siya dahil papikit-pikit na rin ang mga mata niya na anumang oras ay makakatulog na pero ang tigas pa din ng ulo.

"Baby, I need to work. Hm? Hindi naman ako lalayo." Hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya pataas para mas lalo siyang makatulog. "I'll be back, baby."

Tumingin siya sa akin at agad ko namang sinalubong ang mga mata niya. I even smiled a bit then leaned myself down to kiss her lips in a gentle manner.

"I love you so much.." I whispered and there again. I saw her eyes sparked with an emotion that made me smile.

"Love.. love kita." Sagot niya kaya natawa ako dahil sa ka-cute-an niya!

"Alright. Rest ka na, okay?" Pagkausap ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Ang sarap sanang magsabi ng 'Very good'.

With one last kiss on her forehead, I fixed her comforter and pillows. Gusto niya kasi ng may kayakap siya o katabi kaya 'yung unan ang nilagay ko. She really is a kid.

Kumain na rin naman na siya ng breakfast at nakaligo na. Yep. Naligo siya kahit na nanginginig siya sa lamig. But she's really cute, kahit na may sakit pa siya.

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa opisina niya dito sa mansyon. Ako na ang mag-aayos ng lahat ng gagawin niya para kapag gumaling siya ay maayos na ang lahat.

I wonder.. may progress na kaya 'yung paghahanap sa mga pumatay sa magulang ko? Now that I thought of it, I'm starting to lose sight of my goal. Parang nakakalimutan ko na at mas gusto ko na lang na makasama si Havri, but I can't. I need the justice for them.

She's making me feel safe, contented and happy. 'Yung pakiramdam na parang hindi ko na kailangan pang maghanap ng ibang bagay dahil nandyan na siya. It feels so calm.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now