Prologue

993 20 0
                                    

Naiirita akong lumakad sa hallway ng ipatawag nanaman kaming apat ng dean ng paaralan.

Mabuti at kalagitnaan ng klase walang mga students sa labas ng mga classroom at hindi kami pinagtitinginan habang nakakalakad kami ng komportable.

"Ano bang trip ni Mr. Amer at ipinatawag nanaman tayo sa office niya?, e kakapunta lang natin doon kaninang umaga!" Bahid din sa boses ni Moirie ang pagkainis habang tinitignan yung kuko niyang sobrang itim at mukhang kakapakulay lang.

Nagkibit balikat nalang kaming dalawa ni Roy ng nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Good afternoon Mr.Amer." magalang na bati naming tatlo nila Moirie kahit halata naman sa boses naming dalawa ni Moirie na naiinis at si Roy naman yung hindi umiinit ang ulo dahil kahit anong ipagawa go lang ng go.

Naiirita akong bumaling sa kanina pang tahimik na si Mortezo.

Binanga ko yung braso niya sa pamamagitan din ng braso ko at mukhang natauhan naman siya at mabilis din na bumati kay Mr. Amer

Tumango ang dean at ngumiting tinignan kami isa isa.

Napakunot kaming apat dahil hindi naman ganyan umasta ang dean sa amin sa paaralang ito.

"Uhm before I start, please take a seat first." Maligayang sabi ni Mr. Amer sabay ayos sa salamin niya.

Napapalunok akong umupo dahil hindi ko nagugustuhan ang mga pinapakitang reaksyon ni Mr. Amer sa aming apat.

Kahit gustong gusto ko ng malaman ang ano ba talagang sadya niya sa amin bawal naman naming pangunahan siya, siya parin ang pinuno ng paaralan na ito, kaya kung ayaw mong mapatalsik Allora magtimpi timpi ka diyan.

"Kumusta naman ang araw niyo?" Pagpapaligoy na tanong niya pa.

"Maayos naman dean" masayang tugon ni Roy.

"Wala pang araw na nagaganap Mr. Amer dahil halos isang oras palang ang nakakalipas ng mag usap usap din tayo dito kanina." Magalang pero savage na sagot ni Moirie.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa, mabilis akong sinanggi ni Mortezo ganti sa pag sanggi ko sa kaniya kanina. Inirapan ko siya dinilaan niya naman ako pabalik.

Isip bata talaga.

Mabilis na ibinaling ulit naming apat kay dean ang atensyon ng tumikhim siya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa at para makabalik na din kayo sa kanya kanyang silid aralan ninyo."

Napabuntong hininga si Moirie habang naghihintay ng main reason bakit kami nandito.

"Bukas ng maaga may event tayo at may bago kayong makakasama at magiging kabahagi sa grupo ninyong apat."

Mabilis na kumabog ang dibdib ko at bakas din sa mga kasama ko ang panlalaki ng mga mata nila at pagkabigla.

"Ano?" Nagugulat na tanong ko.

"Huh? halos ilang taon na kaming nasanay na apat lang dean bakit may dadagdag pa hindi naman kami pumapalpak sa mga ginagawa namin dean everytime na may task kami?" Pagsasalita na ni Roy na parang naiinis na din.

Basically hindi namin alam kung mapapanatag kami ng may bagong tao na papasok sa grupo namin gayong sanay kaming apat lang, at baka doon pa kami pumalpak kung may bagong dadagdag sa grupo dahil hindi kami mapapakali.

"Hindi naman sa ganoon, pero ayaw niyo ba na mas may makakatulong kayo, hindi kayo lalong mahihirapan?" Dagdag ni Dean sa mahinahon na boses.

"Hindi naman po kami nahihirapan kahit apat lang kami dean" sabat ko.

The Command of HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora