Chapter 15

373 8 0
                                    

Drown

Nilibot ko ang paningin ko sa silid kung saan namin natagpuan ni Roy ang iba pa naming mga ka grupo. Malaki ang silid at may lamesang bilog sa gitna nito. Kasalukuyan kaming naka upong lahat sa sofa kung saan kami pinaupo ng matandang may salamin at tungkod.

"Magandang umaga po, mula po kami sa paaralan ng bayan ng Rotona. Taga Rotona High po kami." Nakangiti at mahinahon na panimula ni Moirie.

Binaling ko ang atensyon ko sa matanda. Tumango tango ito at malawak ang ngiti. He looks jolly and kind at the same time, sa aura din ng muka niya mukha siyang mahilig magsalita at makipag usap sa kahit na sino.

"Ahh oo, kila Amer? Ayy oo nasabi niya ba kung bakit kayo pinapunta dito?" Dahan dahang pagsasalita niya dahil na rin siguro sa katandaan. Siguro kasing edad din siya ni lola o mas matanda ng ilang taon ang lalaking ito kay lola. I'm not sure.

Mukhang magka kilala sila ni dean dahil sa walang preno nitong pagsasalita tungkol dito.

"Opo, ang nabanggit niya lang po sa amin ay pumunta kami sa bahay sa gitna ng kagubatan at magpakilala sa may ari nito. Kasi siya daw po ang magsasabi sa dapat po naming gawing grupo at ito daw yung makakatulong namin sa paglalakbay." Mahabang paliwanag ni Mortezo.

"Hmm ako nga ang hanap niyo at tukoy ni Amer. Pero hindi ako ang may ari ng bahay na ito. Ang may ari kasi ang may kailangan ng ipapagawa ko sa inyo." Nanlaki ang mga mata ko at napalingon naman sa akin ang mga kagrupo ko. Saktong sakto kasi yung sinabi ng matanda sa harapan namin sa kung anong naramdaman at hula ko sa bahay na ito.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag irap ni Monique. Mukhang hindi naman nahalata iyon ng lahat.

"Ano po ba kayo sa bahay na ito?" Lakas loob na tanong ni Nordy.

"Ay matagal na akong nagsisilbi sa pamilya ng may ari ng bahay na ito. Dito na ako tumanda kaya ako talaga ang pinagkakatiwalaan ng pamilya ng bahay na ito. Turing talaga sa akin ng may ari nito ay pamilya na din." Papikit pikit pa ang mga mata niya dahil sa kulubot na mga balat ng kaniyang muka.

Matanda na talaga ang itsura niya at hindi din siya tuwid tuwing nagsasalita at kahit tumayo o maglakad man uugod ugod na.

Tumango kaming lahat sa sinabi niya at dumiretso sa totoong sadya namin dito at sadya niya sa amin.

"Uhm lolo ano po ba talagang gagawin po namin at maitutulong sa inyo?" Mahinahon na tanong ko.

Lumingon sa akin ang matanda at nginitian ako ng malaki.

"Hmm." Binitin niya ang sinabi at nilibot sa aming lahat ang paningin. Bigla ko agad naramdaman ang kabang hindi ko mapaliwanag sa dibdib ko. "May sakit ang anak ng may ari ng bahay na ito." Napanga nga ako ng tuluyan niyang sinabi ang dahilan ng lahat ng ito.

Kung ganoon yung anak ng may ari ng bahay na ito ang tinutukoy ng mga kasambahay kanina na may sakit at hinahanapan ng lunas.

"Bakit po hindi ipatingin sa magaling na manggagamot? Mukhang kaya naman pong bilhin ang kahit ano ng may ari ng bahay na ito." Walang prenong tanong ni Hazel.

Napatahimik kami ng marinig ang malakas at sunod sunod na tawa ng matanda.

"Hindi lahat ay nabibili ng pera mga hija, hijo. Kahit gaano pa kadami ang pilak at mga diyamante ng mag asawang hari at reyna ng mansyon na ito hindi nila nakukuha ang lahat ng kasiyahan sa mundong ito." Napakagat ako sa labi ng makahulugang sabihin iyon ng matanda.

Tama naman siya. Hindi nabibili ng pera ang lahat ng bagay sa mundo.

Maybe money can buy everything and it's normal to feel happy about it, but those happiness you feel is just for the meantime and not for lifetime. Kahit pa sobrang dami mong pera hindi ka parin masa satisfied non na masasabing kumpleto ka sa buhay mo ngayon. Money can't buy happiness for lifetime.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now