Chapter 14

374 8 0
                                    

Duo

"Ikaw na kasi mauna!" Hindi na napigilan ni Hazel na singhalan si Roy ng wala paring nakakapasok sa loob ng malaking bahay.

"Bakit ako?" Nakanguso ng sabi niya.

Kanina pa kami nasa labas ng bahay at walang naglalakas loob na pumasok doon.

"Ako na nga!" Naiinis na sabi ko ang duduwag ng mga kasama ko eh.

"Tao po!" Kumatok muna ako sa pintuan at naglakas loob na buksan iyon.

"Ayaw, naka lock ata?" Lingon ko sa kanila ng hindi ko iyon mabuksan. Nagkibit balikat sila at sinenyasan ako na magpatuloy.

"Tao po!"

"Tao po--"

"Dali!"

"Dito dito!!"

Natigil agad ako sa pagsasalita at pagkatok ng mabilis kaming naghatakan lahat para magtago sa gilid ng may makita kaming nag uusap na dalawang matandang babaeng naka uniform ng pang tauhan habang papunta sa gawi namin.

"Hindi pa rin ba nakakahanap ng lunas?"

"Hindi pa nag aalala na nga ang mahal na Reyna at Hari."

"Nako saan daw ba kasi mahahanap ang lunas para doon?"

"Hindi din ako sigurado sa mga naririnig ko pero mukhang napakalayo daw non at hindi basta basta ang pag punta.

Natigilan kaming lahat sa gilid ng gate ng marinig ang pag uusap ng dalawang ale. Lunas? Mayroong may sakit dito?

"Tara na maki sabay na tayo sa kanila." Mabilis kong piniligan si Moirie sa tangkang pagpapakita sa dalawang ale.

"Manahimik ka Moi hindi nila tayo pwedeng makita." Naka kunot noong baling ko sa kaniya at pinirmi siya sa tabi ko.

Ang sabi ni dean magpakilala kami sa may ari ng bahay dahil siya ang makakatulong sa amin sa paglalakbay? Pero may iba akong nararamdaman dito. Mukhang hindi ang may ari ang sadya namin sa bahay na ito.

At sure ako doon.

Hindi ko maintindihan si dean mukhang mali mali ang binigay na impormasyon sa amin. Mas lalo kaming pinahirapan.

"Hindi nila tayo puwedeng makita. May iba akong nararamdaman dito." Mabilis ko iyong isiniwalat sa kanila at napabaling naman sila sa akin.

"What do you mean?" Narinig ko ang tinig ni Ralger

Hindi ko siya binalingan ng tingin pero nagpatuloy ako.

"Una sabi ni dean lumang bahay sa gitna ng kagubatan, but this house? This house may be an old one, pero hindi kasing luma ng ini expect natin. Isa pa hindi din ito kagubatan nakalagpas na tayo sa gubat bago natin natanto to." Seryosong sabi ko.

"So what's your point?" Si Hazel ng mapukaw ang atensyon niya.

"Sinabi niya pa, ang may ari ng bahay ang makakatulong sa atin sa paglalakbay, but I think hindi ang may ari ng bahay na ito ang makakatulong sa atin sa dapat nating puntahan kundi ang may ari ng bahay na ito ang may kailangan sa atin. Mali mali ang detalye ni dean na naibigay sa atin. And we don't even know the reason why he did that." Mahaba at sinserong pagpapatuloy ko.

Nakita naman nila iyon at alam kong lumalaki ang tiwala nila sa akin dahil sa sunod sunod na pag liligtas at pag hindi ko pagpapahamak sa kanila.

"Ehh kung ganoon bakit tayo nandito sa bahay na ito? Kasi nagkamali ka ba ng hula sa tulay?" Si Monique na kunyaring nag aalala sa sitwasyon naming lahat kahit gusto lang naman akong ipamuka sa kanilang nagkamali ako.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now