Chapter 23

334 7 0
                                    

Lazy Week

"Grabe sobrang stressing naman!!" Si Moirie sa tabi ko habang nakayuko na sa lamesa ng cafeteria.

Isang buwan makalipas ng matapos ang misyon namin mula sa bayan ng Tirna at eto kami ngayon naghahanda para sa examination namin sa susunod na Lunes.

"Makakakain pa ba tayo sa lagay na to?" Tanong ko sa kaniya ng walang ibang laman ang lamesa namin kundi puro papel at mga libro na kalat kalat.

Sinulyapan ko ang ibang mga lamesa at nakitang katulad lang din sa amin. Madami din silang mga papel at magkakasama sa pag re-review.

Dito na nag review sa cafeteria ang ibang mga estudyante kasama kami dahil sobrang puno ngayon ng library. Para pag nagutom deretso kainan lang din. Usually ganito naman lagi tuwing paparating ang exam.

"Mamaya nalang ako kakain Allora, mauna kana kung gusto mo tapusin ko lang pala yung research ko kay sir Alvin." Nagmamadali niyang sinabi at takbo habang dala dala ang isang makapal na libro.

"Ang galing talaga, stressing tapos late naman gumagawa!" Bulong ko sa sarili at nagpatuloy sa pagbabasa.

Buti nalang at natapos ko na ang research namin ang aabalahin ko nalang ang pag babasa at kabisado sa lahat ng mga uri ng mga likido mula sa potion class namin.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng napaka daming mga pangalan at dapat tandaan pero lumipas na ang ilang oras hindi parin ako nata tapos.

Napahawak ako sa sariling ulo ng sobrang dami non at wala pa ako sa kalahati na nakakabisado.

"Psst! Wag ka nga masyadong magpa ka stress diyan!" Napalingon ako sa pamilyar na boses sa likuran ko habang nakayuko ako.

Magulo ang buhok niya habang may hawak na tatlong libro sa braso. Umupo siya sa puwesto niya sa lamesa namin sa cafeteria which is nasa harapan ko.

Kaagad kong inirapan si Mortezo.

"What's with the eye glass?" Maarteng tanong ko sa kaniya ng may suot siyang salamin ngayon pero halatang wala namang grado yun hindi katulad ng kay Nordy.

Well bagay naman sa kaniya tapos ang gulo pa ng buhok, hindi naman siya mukha stress sa pag re-review.

Nakita ko ang pag ngisi niya na kaagad kong ipinag taka.

"May pinopormahan lang." Nanlaki ang mata ko doon. Antagal tagal na naming magkakasama ngayon lang siya nagsabi na may pinopormahan siya.

"Talaga?" Manghang sabi ko at pagkatuwa.

Tumango siya sa akin kaya kaagad kong sinundan 'yon.

"Alam ba 'yan ng kapatid mo?!" Tukoy ko kay Moirie kaya kaagad niyang kinunot ang noo niya.

"Bat ko naman ipapaalam don? Panira lang yon sa diskarte ko." Seryosong sabi niya.

Humalakhak ako ng sabihin niya iyon kaya siya ang inasar at sinubukan ko.

"Paano kung hindi niya din sabihin na may nanliligaw pala sa kaniya?" Pagbibiro ko na kaagad kinalaki ng mata niya.

"What? Who the fuck is that?!" Hindi ko na talaga napigilan at bumigay na sa sobrang pagkatawa ng makita ang reaksyon niya.

"Joke lang!!" Natatawang sabi ko at kaagad naman siyang huminahon at kumalma.

"Alam mo naman na bantay sarado yan saking kapatid ko Allora kung hindi mala-lagot ako kila mom and dad." Siya sa seryosong boses napatango naman kaagad ako.

Napangiti ako ng sobrang protective ni Mortezo kay Moirie at makitang kahit hindi ko na kasama si Moirie sa tabi ko panatag ako na nasa maayos siyang kalagayan kasi may kuya siyang nagbabantay sa kaniya.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now