Chapter 12

386 13 0
                                    

What is...

Agad kaming natapos sa pag aayos ng buong open field at medyo nagliwanag na ang paligid dahil saktong ala sais ng magsi datingan ang mga ibang estudyante na mukhang naka assign sa pag aayos ng kanilang mga booth.

Naglakad ako sa ibang bleachers para makuha ang tubig ko sa pinaglagyan ko ng mga gamit ko.

Mabilis akong uminom at muntik ko ng mabuga ang iniinom ko ng pumunta sa harapan ko si Moirie at pisilin ang dibdib ko.

"What the hell?" Madiin na sabi ko sa kaniya at nairita.

"Tanga mag jacket ka nga nakatingin sa joga mo mga kalalakihan oh! Tapos naka make up ka pa, gaga ang ganda mo hindi nila keri!" Napalingon ako at biglang nakaramdam ng ilang ng mapansin na halos nakatingin nga sa akin ang iba at sumusulyap sulyap pa.

Napalunok ako at sinuot ang jacket. Babalik pa naman kasi ako sa dorm ko para magpalit ng uniform maaga pa kasi kanina kaya hindi muna ako nag uniform malay ko bang maabutan pala kami ng ibang estudyante.

Inirapan ko si Moirie na baliw dahil sa kilos niya ngayon.

Nagtungo nalang agad ako sa dorm ko at nagpalit ng uniform namin. Naghilamos na rin ako at tinanggal ang cream sa muka at pula sa labi. Hindi na muli ako nag make up dahil minamasama pa pala iyon ng iba. Nainis ako ng ganon ang tingin nila sa akin ni hindi manlang inalam ang sarili kong nararamdaman.

Nawalan ako ng gana ng araw na ding iyon hanggang sa magstart na ang buong program. Kung wala lang si Moirie na aya ng aya sa akin sa iba't ibang mga booth baka ilaan ko nalang ang oras ko sa pag stay sa loob ng dorm at maghintay sa oras para mamayang gabi.

"Allora ayos ka lang ba?" Si Moi sa tabi ko habang kumakain ng marshmallow na may chocolate syrup. Kakapunta niya lang sa isang booth at nakatawid naman siya kaya ayan may nginunguya.

"Huh? Oo, bakit mo natanong?" Nakatulala parin ako habang sinasagot siya at iniling ko ang ulo para mabaling ko sa kaniya ang atensyon.

"Hoy ala una na ng hapon kanina ka pa tulala, ni hindi manlang kita nakitang ngumiti ngayon." Malakas na boses na sabi niya.

Ganiyan talaga siya kapag nag iiba ang kulay ng kuko parang nag iiba ang personality niya. Binabagay ang aura ng ugali sa itsura.

Bigla akong napa isip. I also thought this day would be fun, but I'm wrong.

Ewan ko ba nagsasaya naman ang mga nasa paligid ko. Sobrang dami ko lang talagang iniisip. Hindi ko na alam.

Pero minsan lang mangyari ang mga araw na ganito. Dapat bawasan ko ang pag iisip kaya ako nagiging mukhang suplada sa iba eh. Hindi ako ngumingiti.

"Tara!" Pinilit kong maging masaya sa oras na iyon.

Hinatak ko si Moirie sa isang booth na may pinaka madaming pila. Kanina ko pa nakikita na hindi nakaka usad ang mga ito pero siya ang pinipilahan at paulit ulit pinupuntahan.

"Anong meron dito?" Mabilis akong nagtanong sa lalaking estudyante na nasa pinaka huli ng pila.

"Hala! Magandang hapon Miss Allora, Miss Moirie." Parang nagulat pa siya ng lumapit kami sa kaniya. Mabilis ko siyang nginitian ng matamis para hindi siya matakot. Nakita ko ang muling panlalaki ng mga mata niya. "Ahh a-ano po, ah ang-- ang ganda niyo po pala talaga sa malapitan."

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya narinig ko ang malakas na paghalakhak ni Moirie sa tabi ko.

"Hoy tanga umayos ka nga sila Miss allora yan."

"Hoy gago ka talaga, tabi nga!"

"Ang gago mo woy!"

Nahawa ako sa tawa ni Moirie na walang awat. Tinapik ko siya sa balikat habang nakangiti at tumigil naman siya kahit papaano.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now