Chapter 28

262 6 0
                                    

Truth

Dark.

Iyon ang unang salitang pumasok sa isipan ko ng magising ako mula sa maiinit na silid na kinaroroonan ko.

Sobrang dilim na feeling ko nakapikit parin ako dahil walang kahit anong aninag ng liwanag akong nakikita o nasisilayan.

Kahit gaano kainit hindi ako pinagpapawisan dahil ang katawan ko mismo ang malamig. I tried to stand pero nagmistulang lantang gulay ang mga binti ko. I tried to tie my hair up not until I realized that my hands are chained.

"Help!" Sigaw ko pero ako lang ang nagulat sa sarili ng walang busal ang bibig ko pero napagtanto kong malat naman ako at walang kahit anong tinig o boses na kumawala sa bibig ko.

The last time I remembered things is when everything went black after kong pumasok sa sasakyan ng kalaban kapalit ng buhay ni ate Gie. Yes I agreed to it and I let ate Gie live kapalit ng pagsama ko sa kanila and I did. Kahit naman siguro sino‚ wala akong pake kung ako ang mapahamak basta ligtas ang mahal ko sa buhay wala akong pake.

"What? I'm waiting miss Almina?" Ang driver.

"Allora?" Natatarantang baling sa akin ni Moirie." Paika-ika akong tumayo habang hawak ang tiyan kong patuloy parin sa pagdurugo.

"Hmmm!" Nakita ko ang pag-iling ni ate Gie habang lumuluha at binabantaan ako ng tingin.

"Bitawan niyo na si ate Gie sasama ako!" Sigaw ko sa kanila habang hinihingal pa.

"Good sweetie‚ that's right!" ang babae habang nakangiti parin ng matamis at nakataas ang kamay na animong inaabot ako.

Nakita ko ang marahas na pagtulak nila kay ate Gie sa gawi nila dean at kaagad kong naramdaman ang kung sinong may marahas naman na humatak sa braso ko papunta sa gawi nila.

"What the hell are you doing Miss Cabral?" Si dean na nangagalaiti sa galit.

"Kayo na bahala kay ate. Dean please." May pagmamakaawang tugon ko hanggang sa kaladkarin ako ng mga kalaban pasama sa kanila.

"No--" Narinig ko pa ang pag babalak na pag pigil nila Mortezo pero inatake sila ng ibang mga tauhan dito.

Kaagad akong nanghina ng makitang walang kalaban laban ang mga tao sa Rotona at aminado kami doon dahil hindi namin inaasahan ang bagay na ito.

Tinulak nila ako sa van na sobrang laki at kaagad akong napahawak sa tagiliran ko dahil sa lalong pamamanhid nito‚ napansin ko din ang kamay kong nanlalamig na at namumutla.

Unti-unting namungay ang mata ko kasabay ng pagsara ng pintuan ng van ang unti-unti ring pagsara ng mata ko at doon ko muling nasilayan ang dalawang malalim niya na mata at blanko itong nakatingin sa akin.

Nakatulog pang muli ako ng maramdaman ang panghihina at pagpungay ng mata nagising ngalang ng may marinig nanaman akong ingay sa paligid at parang binubuksan na kadena sa labas at dinig na dinig ito sa tahimik na silid na kinaroroonan ko.

Napaling ko ang ulo nang bumukas ang pinto ng silid at tumambad sa akin ang sobrang liwanag na labas na ikinasilaw ko.

Nakita ko ang pagpasok ng mga nilalang doon na nakakatakot at may dala dala itong mga pagkain para sa akin.

"Kumain daw kayo pinapasabi ni Queen Moore." ang isa sa tauhan habang may hindi normal na boses.

"Kalagan na yan." Ang isa doon.

Napapikit ako ng may isa doong nagsindi ng kandila sa gasera at ikinasilaw ko din iyon dahil hindi talaga nasanay ang mata ko sa liwanag.

"Ahh" Walang boses na daing ko dahil sa higpit ng pagkaka-kalag sa kamay ko ramdam ko din ang sakit sa tiyan ko na dumagdag pa sa pagdaing ko.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now