Chapter 30

263 7 0
                                    

Gory Night

Napahawak ako sa bibig ko habang lumuluha ng muling may pagsabog na naganap na nagmumula sa ibaba ng pasilyo. Iyon na yata ang pinaka maingay at malakas na narinig kong pagsabog sa buong buhay ko.

"What's happening Ralph omayghad!" Lumuluhang iyak ko at hindi na magkamayaw. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit niya sa kamay ko at hinarap ako habang hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"No matter what happen please don't ever and ever far your distance with me‚ please I can't lose you again. Oh god!" I can obviously see the frustrated look into his face after those words and I suddenly felt his tight hug.

Pagtapos kong maramdaman ang mahigpit niyang yakap bigla naman akong nanghina. Napakapit ulit ako sa braso niya ng maramdamang lumalambot ang binti ko.

"You alright?" Kaagad bumalatay sa muka niya ang pag-aalala matapos bitawan ang yakap sa akin at inalalayan ako.

Iniling ko ang ulo at ngumiti sa kaniya.

"Nanghina lang ako sa yakap mo" marahan na sabi ko para hindi na siya mag-alala.

Kumunot lang ang noo niya bago ako hinatak sa isang gawi at sabay kaming tumakbo.

Grabe ang dagundong ng dibdib ko habang tumatakbo kami dahil sa daming pagsabog sa paligid ang naririnig ko. May mga time pa na napapahiyaw ako ng biglaan dahil akala ko nasa puwesto o dinadaanan namin naganap ang pagsabog‚ habang si Ralph naman na nasa tabi ko walang minutong hindi niya ako sinusulyapan ng tingin at laging tinitignan kung ayos lang ba ako.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad at nakita ko ang bahagyang pagkatigil sa paglalakad ni Ralph.

"What's wrong?" Tanong ko ng sulyapan ko siya.

"Nothing let's go." Seryoso niyang sinabi at naramdaman ko ang bahagyang pag bilis ng lakad niya.

Nananakit na ang mga paa ko pero naglalakad at patakbo-takbo parin kami.

"Where are we going?" Pagtatanong ko ng ilang minuto na kaming naglalakad pero wala parin akong naaninag na mga tao sa paligid.

Gano'n ba talaga kalayo ang pasilyo na pinanggalingan ko mula sa mga tao?

"I need to bring you to your friends." Seryoso muli na sabi niya na ikinagulat ko.

"What? How about you? I thought--" Nag hi-histeryang tanong ko. Naguguluhan at nalilito.

Akala ko ba ayaw niya na akong mawala sa paningin niya? Bakit parang nagbago ang isip niya ngayon.

"Don't worry I promise na babalikan kita." Sinserong sabi niya at hinarap ako sabay hawak sa dalawa kong pisngi at muling paghalik sa aking labi.

Naramdaman ko ang diin ng halik niya sa labi ko at may pagsusumamo.

Mapupungay na mata ang sumalubong sa akin ng maidilat ko ang mata mula sa pagkakapikit.

"I love you." Pagbibitaw ko‚ nagtitiwala. Nakita ko naman ang pag igting ng panga niya sa narinig mula sa akin.

"I love you." Mariin na sabi niya bago muli ako hinatak at tumakbo hanggang sa ilang minutong paglalakad namin nakarinig ako ng maiingay na tao sa paligid.

Halos mapahawak ako sa bibig ng makita ko ang paligid na punong-puno ng labanan. Kaagad akong napa-iyak at napayakap kay Ralph mula sa nasilayan.

"Don't worry okay‚ I'll be back‚ go that way andon ang mga kaibigan mo‚ I know you're safe with them. I just need to fix something‚ don't worry." Pagtuturo niya sa isang gawi‚ ramdam ko ang bahagyang pagmamadali sa boses niya‚ tumango ako at tinakbo ang distansya ng gawi na itinuro niya. Nakita ko rin ang pag tungo niya sa kasalungat na direksyon at may pinasok na pasilyo.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now