Chapter 27

261 6 0
                                    

In Return

"Surprise!" Napahawak ako sa ulo ng muli akong makaramdam ng hilo ng sumigaw ang babae ng napaka lakas.

"Allora grabe ang mauubos sayo na dugo kung hindi mo pa ipapagamot yan. Andon ang medic tara na!" Aya muli sa akin ni Moirie pero hindi talaga ako sumasama sa kaniya.

"Dito lang ako." Malamig na tugon ko hindi pinansin ang sinabi at paalala niya.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ng mga kaibigan ko at alam nilang hindi nila ako mapipilit sa gusto nilang mangyari.

"Ah!" Napahawak ako kay Moirie ng muling yumanig ang lupa at nahilo nanaman ako.

"Shit!" Mura ni Roy ng makitang nagsimulang umatake ang mga kalaban at patamaan ang ibang mga estudyante. Nagmadali na tumayo si Roy at pumunta sa tatamaan ng pag atake at hinarangan ito ng barrier.

"Huwag nyo akong alalahanin kailangan natin mailigtas ang mga estudyante dito. Hindi tayo papakawalan ng mga ito." Mariin na bulong ko at nagsimula ng tumayo ng magpasiyang tumulong kahit mahirap at medyo hilo pa.

Lumapit ako sa ibang mga nilalang doon na mga lumusob at pinag aatake sila ng mga bato. As a student and one of the member of the Fabulous Four I'm just sure that they're easy to fight with at may iba pa kaming mga nakakalaban sa mga misyon na mas malakas pa sa mga ito. Pero sadyang iba lang ang kaba ko ngayon sa hindi malamang dahilan kung dahil ba may tama na ako o dahil sa mga nasa harapan namin at sa mga nalaman ko.

Isa pa mas maganda sana kung kami kami lang ang nandito ang kaso merong mga students na natira dito sa Rotona high at nadadamay sila.

"Pwede ba nating maiuwi ang mga natira?" Nag-aalalang tanong ko kila Moirie dahil naawa ako sa mga estudyante dito na mga nadadamay.

"Allora I don't know‚ hindi natin puwedeng makaligtaan ang mga kalaban kapag inuwi natin sila ang maiiwan dito sila dean lang. Dapat matagal na nating naubos ang mga estudyante dito at alam na nasa ligtas silang lugar‚ kung nakapaghanda lang sana tayo." Malungkot at mahabang tugon ni Moi.

Halos manghina ako doon. Pero mas pinili kong magpalakas ng loob para sa lahat.

Umiling ako at kaagad na tumakbo sa gawi ng mga estudyante na puntirya ng mga halimaw na iyon. Isa isa ko silang pinagtatadyakan at sinaksak ng kunai na bigay sa akin nila Roy pagdating nila dito sa paaralan.

"Miss Allora." Nanlaki ang mga mata ko ng may dumakip sa damit ko sa likuran pero mas lalo akong nagulat ng makitang batang babae ito at umiiyak pa. Namumula ang pisngi niya

Hula ko ay mga nasa anim na taon lang ito.

"Why are you crying?" Kahit masakit ang ulo mas pinili ko na mag squat sa harapan niya para makapantay siya. Kaagad akong nag-alala sa itsura niya dahil namamaga na ang mga mata nito dahilan siguro ng lubusang pag-iyak niya.

"Miss Allora I'm scared the ugly people is so scary!" Mas lalong lumakas ang iyak niya.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang kahit gaano kalakas ang iyak ng bata wala nakakapansin dito dahil busy ang lahat sa pakikipag laban kahit pa ang pinaka malapit sa amin.

"Why are you here alone? I mean where's your parents? You're supposed to be at your house now since it's new year isn't it?" Nagtatakang tanong ko dahil bakit nga naman siya nandito kung umuwi ang lahat at ang mga naiwan lamang ang walang mga uuwian? She's a child after all.

"My parents sent me here and they don't want me to spend the Christmas with them because my mother said I'm a disgrace in our family." Hindi na siya umiiyak ng sinabi niya iyon at parang sanay na sanay siyang isiwalat ang mga iyon na kaagad ikinadurog ng puso ko. Mukhang hindi niya pa naiintindihan ang mga pinagsasabi niya pero napakasakit na dahilan iyon.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now