Chapter 4

433 8 0
                                    

Rage

Napa angat nanaman ako ng tingin sa ding ding ng silid ng clinic ng paaralan sa panibagong pagkakataon. Napabuntong hininga ako sa pag iisip na lagi akong napapahamak sa mga nagdaang araw and i feel down lately dahil na din sa nangyari sa grupo.

Walang tao sa clinic at kasalukuyang alas onse na ng gabi. Nasa dorm na siguro silang lahat at nagpapahinga kaya hindi ko dapat sila abalahin.

Hindi ko alam kung may nagbantay ba sa akin dito kanina or kung may tumingin manlang. Nagkusang loob kasi akong mag isa kanina na pumunta sa clinic habang paika ika matapos ang kaganapan sa auditorium dahil na rin sa hindi naman nila ako masasamahan dahil nasa loob sila ng mga barrier.

Pag pasok ko palang sa clinic binendahan agad ng nurse ang aking isang mata dahil sa pagdudugo nito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko habang ginagamot ako ng nurse at hindi ko namalayang nakatulog na ako kanina.

Dahan dahan akong pumunta sa lamesa sa loob ng silid at magsalin ng tubig sa baso at dahan dahan din itong ininom. Nakatulala akong bumalik sa kama at matagal na tumitig sa orasan.

Naalala ko nanaman yung mga sinabi ng babae sa auditorium kanina at hindi ko parin alam bakit hindi mawala sa isipan ko iyon.

Umiling ako at marahang tinangal ang suwero sa kamay kahit walang katiyakan kung maayos ba ang pagkaka alis ko doon.

Mabilis akong lumabas sa silid ng klinika at tinungo ang lagi kong pinupuntahan kapag maraming iniisip.

I don't need to watch the clock, I need to do what the clock's doing, I need to keep going.

Halos manlaki ang mga mata ko ng parang may de javung nangyari at makita kong naka upo ang lalaki sa upuang bato at tila nagkapalit lang kami ng sitwasyon dahil ako ang na huling pumunta dito at nauna siya.

"Sit here if you want" napalunok ako ng maranig ang salitang kaparehong kapareho ng sinabi ko ng madaling araw na iyon.

Hindi ko alam at bigla akong napalapit ng paunti unti sa puwesto niya at marahang umupo sa tabi niya.

Tumitig lamang ako sa buwan na natatanaw sa malawak na kalangitan na punong puno ng bituwin habang naka upo siya sa tabi ko at nakatingin naman sa lupa.

"What are you doing here?" Nanatili akong nakatingin sa langit ng marinig ko ang malalim niyang boses.

"Ako dapat ang magtanong nan, masyado ng late para sa iyo at tumambay pa dito sa tagong lugar ng paaralan, aren't you scared?" Mahinhin na sabi at tanong ko.

"I'm the the one who question you and you answered me with a question? You're crazy"

"At least I answered you." Sabi ko kasabay ng pagsimangot sa langit.

Nakita ko ang pag galaw ng panga niya at pagbuntong hininga na parang anlaki laki kong problema sa kaniya.

"Ikaw dapat ang tatanungin ko, aren't you scared? You're a girl and you are letting yourself staying here alone?" Tanong niya at nairita ako.

"Tss, you're stereo typing, it doesn't mean I'm a girl I'm scared in everything. I am not the type of person who is afraid of everything just because I'm a girl" mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa matapos kong sabihin iyon.

"So that's why your letting yourself na sumama lagi sa pagsabog, kasi you're not afraid in everything. Ganoon ba?" Kumunot ang noo ko at napalingon kay Ralger ng nagtotono nanaman siyang galit o naiinis kung kanino.

"So bakit ka galit?" Naiinis sabi ko at tingin sa kaniya.

Lumingon siya sa akin ng may malamig na mata at mas lalong nainis sa sinabi ko.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now