Chapter 20

339 8 0
                                    

Mission Accomplished

"Ayos na ba lahat?" Napalingon ako sa mga kagrupo ko ng handa na silang lahat sa mga gamit nila.

"Maraming salamat HAY-ME! sa pag gamot sa akin." Pagpapasalamat ni Moirie sa huling pagkakataon habang may diin pa sa pangalan ni Jaime.

"Hmm HAHAHA walang anoman!" Masayang tugon niya dito.

"Thank you Jaime."

"Salamat po."

"Salamat po Jaime kailangan na po naming umalis baka gabihin pa po kami ng sobra sa daan." Nakangiting sabi nila at yumakap isa isa kay Jaime. Yumuko si Jaime sa kanila ng sobrang baba para maabot sila isa-isa.

"HAHA sige sige mag-iingat kayo!" Paalam ni Jaime hanggang sa magsimula silang maglakad papalayo.

"Ahh mauna na kayo susunod ako. May sasabihin lang ako kay Jaime." Sabi ko sa kanila at nanatili sa harapan ni Jaime sa tapat ng pintuan ng bahay niya.

Tumango ang mga kagrupo ko at hinayaan na ako 'saka ako bumaling kay Jaime.

"Sure ba kayo na hindi na kayo magpapalipas ng gabi dito?" Tinanong niya kaagad sa akin pagkalingon ko sa kaniya.

"Pasensya na Jaime kahit gusto ko din mag stay pansamantala dito, ang kaso pumunta po kami dito para sa misyon at hindi po para mag saya. Isa pa may naghihintay po sa amin na nasa bingit ang buhay. Hindi po kami maaring magtagal dito dahil buhay po ng isang tao ang nakasalalay sa misyon namin ngayon." Mahabang litanya ko lubusang nalulungkot dahil mukhang masaya si Jaime kasama sa bahay.

Gusto ko maranasan sana kung paano siya kasama sa bahay tuwing matutulog sa gabi.

Kaagad akong napangiti sa naisip.

"Alam ko naman iyon hija at lubusan lang akong nasayangan dahil akala ko may makakasama akong maiingay ngayong gabi." Natawa siya doon kahit halata ang pagka dismaya.

"Hayaan niyo Jaime babalik ako dito at hindi na para sa misyon! Para mag enjoy na HAHAHA!" Ginaya ko ang way ng pagtawa niya na sobrang lalim at lakas para matawa din siya hindi naman ako nabigo dahil natuwa siya sa nasaksihan sa akin.

"Sige mag iingat ka palagi ha!" Muli siyang yumuko ng sobrang baba para mayakap ko siya. Kahit yumuko na siya kailangan ko paring tumingkayad para mas maabot ang likuran niya.

"Mami miss kita Jaime." Natutuwang sabi ko sa kaniya dahil sa sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kaniya at parang siya ang natuklasan kong bagong kaibigan sa misyon na ito.

Kumaway ako sa kanya paalis na sana kaso bigla niya akong hinatak ng walang kahirap hirap sa damit ko sa likuran.

"Huh bakit?" Nagtatakang tanong ko ng makalapit ulit ako sa kanya.

"Walo ba talaga kayong mga taga Rotona?" Kaagad akong nagtaka sa kaniya dahil iyon nanaman ang topic niya kung lahat ba kami taga Rotona.

"Huh? Ahh oo naman? Bakit Jaime?" Nagtatakang tanong ko medyo nakakaramdam na ng kaba.

Tumango siya ng dahan dahan at hindi na nagtanong pa.

"Basta ako sayo mag-iingat ka palagi, huwag kang magtiwala kung kani-kanino sa paligid mo. Hindi ka dapat nagpapalinlang sa iba dahil lang sa malambot ang kalooban mo. As one of a Leader in Rotona you need to be brave to be able to do what is rightfully needed, kaya laging mag-isip bago gumawa ng isang bagay!" Mahabang sabi niya ng may kahulugan pero hindi ko maintindihan.

"A-anong sinasabi mo Jaime?" Nauutal pero dinaan ko sa tawa yon para hindi halatang kinakabahan.

"Wala, friendly advice lang." Natawa siya na akala mo hindi ko talaga inisip yung sinabi niya. Nginitian ko nalang siya ng guluhin niya ang buhok.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now