Chapter 3

443 10 0
                                    

Responsibility

Nagising ako ng maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Nakita ko ang sarili ko sa salamin sa dorm ko ng makitang namumutla parin ako.

Hindi ko alam kung paano ulit ako nakapunta sa loob ng dorm ko gayong naalala ko lang nawalan nga ako ng malay.

Matapos kong uminom ng tubig doon muling nag sink in sa akin lahat ng naging desisyon ng dean, muling nag init ang mga mata ko pero pinikit pikit ko iyon ng madaming beses para mapigilan ang pag tulo, bumuntong hininga ako at lumabas ng dorm.

Napag isipan ko na maglakad lakad sa malawak na paaralan ng bayan ng rotona at naupo sa isang bench sa likod ng library kung saan kahit maaraw walang mga taong dumadaan dahil tago lang naman ito at walang kahit anong bagay na maaring pagka abalahan dito.

Madilim pa sa labas dahil alas tres palang ng madaling araw at malakas pa ang simoy ng hangin.

Napatitig ako sa iisang direksyon lang ng maisip ang lahat ng bagay na mga sinakripisyo namin sa paaralang ito. Mga times na kahit sumuka o lumuha na kami ng dugo sa sobrang kahinaan ginagawa parin namin lahat ng mga inatas na gawain sa amin ng mga school officials para lang mapanatili ang kagandahan ng paaralan.

Naramdaman ko ang unti unti at sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko ng maalala ang reaksyon ng mga kaibigan ko kanina sa harapan ni Mr Amer. Alam kong katulad ko masakit din sa kanila ang nangyari, matagal na kaming magkakasama at sa puwestong fabulous group din nabuo ang pagkaka ibigan naming apat through ups and downs.

Kaya alam kong pagkapasok na pagkapasok din nila sa kani-kaniyang dorm nila alam kong lumuha din sila.

Napapikit ako ng biglang lumakas ang simoy ng hangin, napa lingon ako sa taong kanina ko pa nararamdaman sa paligid na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam bakit sa dami ng pagkakataon na magkita kami ngayong madaling araw pa at kung kelan mukha akong patay na nabuhay lang, because of my paleness and swollen eyes.

"Sit here if you want" anyaya ko sa may malamig na boses kasabay din ng malamig na hangin habang umurong ng onti at binibigyan siya ng space sa upuan na bato.

"Thanks" napaangat ako sa kaniya ng magsalita siya pero walang kahit anong aksyon na ginagawa.

Napatingin nanaman ako sa mga mata niyang malalim. Mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil parang nanghihigop ang mga mata niya at hindi mo na kayang alisin pa ang paningin mo doon kapag nasimulan mo ng titigan.

"What brought you here?" Tanong ko ng hindi manlang siya sinusulyapan para mawala ang katahimikan sa aming dalawa.

Hindi niya ako pinansin at nag indian sit siya sa lapag at tabi ng bato kahit maalikabok doon.

Hinayaan ko siya dahil choice niya naman yun at mukhang ayaw niyang tanggapin ang alok ko na tabihan ako.

"Masaya ka ba?" Muling tanong ko at binabalak ng talikuran siya kung hindi niya pa ako sasagutin at papansinin.

Kita ko sa peripheral vision ko na nag angat siya ng tingin sa akin pero hindi ko sinuklian ang mga tingin niya.

"Hindi" maikling sagot niya at halatang wala siyang balak dugtungan iyon.

"Why not?" Sarcastic na tanong ko dahil malabo ang sinasabi niyang hindi siya nagsasaya sa mga na aachieve ng grupo niya.

"Why yes then?" Balik tanong niya, halos mairita ako sa sobrang pagka pilosopo niya sa pag sagot at way ng pananalita.

"Hindi ba dapat nagsasaya ka? Kayo na ang nasa posisyon pinalit nga kayo sa amin diba?" Lakas loob kong tingin sa kaniya at napatayo na sa sobrang inis. Mukhang hindi na talaga kami magkakasunod nito

The Command of HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt