Chapter 21

335 9 0
                                    

Return

"Allora yung kamay mo." Kaagad akong dinaluhan nila Roy matapos kong lumapit sa puwesto nila.

"Ayos lang." Mahinang sabi ko.

Kaagad akong tumakbo papalayo sa kanila at nagpunta sa batis. Hinugasan ko ang kamay ko doon kaya kaagad nagpula ang parte ng tubig na pinag hugasan ko. Umaagos naman ang tubig kaya hindi magiging dugo ang lahat ng tubig sa batis.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lahat lahat ng nangyari ngayon.

Pakiramdam ko may kulang kung tutuusin masaya dapat ako dahil tapos na ang misyon.

Hindi ko alam parang gusto ko nalang umalis dito at umuwi na sa Rotona. Tutal tapos naman na ang misyon na pinapagawa ni Dean.

Siguro ganito ang nararamdaman ko dahil sa puwersahan kanina at andaming ingay sa paligid ko. Nagawa ko naman ng maayos ang misyon pero hindi umayon sa gusto kong mangyari.

O kaya naman ganito ang nararamdaman ko dahil sa mga iyak ng mga tao sa paligid. Ako din kasi ang nakakaramdam ng mga emosyon na 'yon.

Pwede ring dahil nasaktan ako sa nasabi sa akin ng mahal na reyna at hari. Pero hindi. Hindi naman sa akin big deal 'yon ayos lang parte lang ng misyon. Isa pa karapatan nila iyon dahil anak nila ang nilalagay ko sa bingit kung sakaling hindi maayos ang ginagawa ko.

"Ayos lang yan Almina." Binulong ko kaagad iyon sa sarili ko habang pinupunasan ang kamay kong basa dahil sa batis.

Huminto na ang dugo doon pero malalim ang sugat. Hindi na ako manghihingi pa ng tulong kay Monique kahit pa healer siya ng grupo at responsibilidad niya iyon. Kanina nga sapilitan pa, pero dahil para yon sa misyon kaya siya napapayag. Paano kung ako? Sa galit 'non sa akin umasa ka nalang Allora.

Hindi ko din maintindihan bakit parang sobrang hirap humingi ng tulong sa grupo na yon. Dahil ba sa amin ang may problema? Hindi ba kami nagtitiwala sa kanila dahil bago sila? O dahil ayaw lang talaga nila. Hindi ko alam, gulong gulo ang utak ko.

Kaagad akong napalingon sa likuran ko ng may maramdamang yapak doon.

"Allora."

"Ahhm magandang umaga po." Kaagad akong napatayo ng makitang si lolo Lito iyon.

"Magandang umaga hija, eh una gusto ko magpasalamat sa iyo, dahil magaling na ang anak ng hari't reyna maayos na ang lagay niya. Bumalik na rin sa dating sigla." Sinuklian ko lang si lolo Lito ng ngiti ng makitang maligaya talaga siya.

"Hindi po, yon naman talaga ang misyon namin ng grupo ko. Ginawa ko lang po ang nararapat magpasalamat po kayo sa buong grupo at huwag lang po sa akin." Yumuko kaagad ako bilang pag galang sa kaniya at angat ulit ng ulo sabay ngiti.

"Maraming salamat talaga, pero hija ang kamay mo? Nakita ko yan kanina na dumudugo halika sa loob at ipagamot natin yan." Siya sa nag-aalalang boses.

"Hindi na po, kaya ko naman po nabendahan ko na rin naman po."

"Sige hija ikaw ang bahala sumama ka nalang sa akin at pumasok tayo sa mansyon andon na ang mga kagrupo mo halika kumain tayo."

Napatango ako sa kaniya at sumabay sa paglalakad papasok sa loob ng mansyon.

Nakasara din ang gate nito pero may susi akong nakita na hawak ni lolo Lito kaya nakapasok kami. Nakapasok din kami sa loob ng pintuan ng mansyon na hanggang ngayon ay wala paring mga taga bantay.

"Lolo Lito wala po ba talagang nag babantay sa labas ng mansyon?" Hindi ko na napigilan at nag tanong na.

"Wala hija."

The Command of HeartWhere stories live. Discover now