Chapter 10

413 9 0
                                    

Mission

"Stop drinking." Agaw niya sa pangatlong lata ng kuhain ko iyon at ambang uubusin dahil kalahati nalang naman iyon.

"Ano ba! Kaya ko pa to." Nairita nanaman ako dahil binabawalan niya nanaman ako.

Nagtagumpay akong mainom ang alak pero naka isang lunok lang dahil inagaw niya iyon.

"Ano ba—" natigil ako sa pagsasalita ng tunggain niya iyon at siya na ang umubos "bahala ka nga sa buhay mo!" Dugtong ko at layo sa kaniya.

Humarap ulit ako sa lawa at namalayan ko nalang humupa na ang luhaan kong mga mata.

"I'm gonna sleep." Lango kong sabi at ambang hihiga sa damo.

"Fuck, stop it. Let's go home please." Tukoy niya sa dorm. Lumapit siya sa akin inalalayan niya ang likod ko para matigil sa paghiga sa damo.

He's frustrated alright, pero bahala siya. Ginusto niya namang pasunod sunod sa akin e, edi magtiis siya.

"No I'm gonna sleep here." Hindi paawat na sabi ko at nahiga na ng tuluyan sa damo.

"Then, I'm going to sleep here too." Banggit niya sabay higa sa tabi ko ng mapansing hindi ako susunod sa gusto niyang mangyari.

Bakit ba ang kulit niya!

Nainis ako at tumalikod sa kaniya at humarap sa lawa ng patagilid.

Ramdam ko ang paghinga ko at paghinga niya sa sobrang tahimik.

Walang gumagalaw sa amin at umiinit ang pisngi ko sa sobrang tahimik tanging hininga lang namin ang naririnig sa paligid at mga kuliglig sa madilim na gabi.

"Ang init umalis ka na nga!" Pumikit ako dahil pinagpapawisan na ako ng malala dulot ng alak na nainom tapos may katabi pa ako, ang init.

"You're turning red, I told you let's go home." Pilit niya pa sa akin.

Umupo ako at hinubad ang hoodie kaya natira ang itim na tube ko. Ang nakalugay na damit ay itinali ko ng pusod pero magulo parin iyon init na init ako kaya pinunas ko yung hoodie sa pawisan kong katawan.

"It's hot!" Ramdam ko ang init sa buong katawan lalo na sa muka ko mukha na siguro akong kamatis ngayon.

"What are you doing!" Napalingon ako sa katabi kong makulit na nilalang na ngayon ay naka upo na rin sa tabi ko nakita ko pang gumapang ang paningin niya sa katawan ko ng may madilim na mga mata.

Pervert.

"Anong what I'm doing! Mainit umalis ka dito matutulog na ako inaantok na ako!" Humiga ulit ako sa damo at hinayaan siyang naka upo bahala siya kung matulog siya dito. I'm sure hindi niya kayang matulog dito eh sa aura ng mukha nan mukhang hindi sanay sa kung anong karumihan na lalapatan ng katawan niya. Maliban sa marumi niyang utak.

"Ahhh!" Napahiyaw ako ng maramdaman ang kamay niya sa likod ko at parang stick na binuhat niya ako. Namalayan ko nalang naka angat na ako at nagpupumiglas sa braso niya.

"Don't fucking test my patience." Nagpumiglas ako sa buhat niya at sa sobrang lakas ng piglas ko nalaglag yung isa kong binti kaya napakapit ako sa batok niya at nadala ko siya sa pagkalaglag kaya parehas kaming napa upo.

"I can't understand you!" Sumabog na siya at hindi napigilan na titigan ako ng matalim.

Napalunok ako ng makita nanaman ang pagpula ng mata niya. Napayuko ako para maiwasan ang tingin niya na nakakapangilabot pero unti unting nanlaki ang mata ko ng madapuan ang malaking bagay sa ibaba niya.

"W-what is that!?" Nagtaas ako ng tingin sa kaniya at nanatili parin siyang kunot nuo at halatang galit na sa akin.

Wala akong karanasan oo pero hindi ako inosente sa mga bagay na ganito.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now