Chapter 32

245 8 0
                                    

Date

"HAHA‚ masyadong madrama ang nagaganap halina't mag shot na tayo!"

Kaagad akong napalahaw sa tawa ng biglang magsalita si Jaime sa kalagitnaan ng pag-kukumustahan naming magkaka grupo.

"Magandang gabi Jaime!" Masayang bati ko at nginitian niya naman ako at sinipat ang ulo ko.

"Good evening beautiful lady‚ hindi ako makapaniwala na ang bumisita pala sa akin ay ang pinaka magandang prinsesa ng Tirna.

Agad akong nahiya sa sinabi ni Jaime at kaagad kong nilibot ang piningin baka may makarinig pa sa kaniya doon.

"Hi Allora." nanlaki ang mata ko ng batiin ako doon ni Grayson na pamangkin ni Jaime.

Kapansin-pansin sa mukha niya na seryoso si Grayson at hindi ngumingiti ngayon.

I wondered why? Masaya naman siya tuwing nagkikita kami at masayahin talaga siya.

"Hi Grayson It's nice to meet you again." masayang bati ko sa kaniya.

"Pollux?"

Napalingon ako sa likuran ng marinig ang pamilyar na boses ng kapatid.

"Ahh kakain muna ako doon." pagpapaalam ni Grayson at kaagad kaming tinalikuran.

"Azaria?" takang tanong ko kung sino ang tinatawag niya.

Nakita ko ang bahagyang pagka tigil ni Azaria at parang hindi makapaniwala agad naman siyang umiling doon at kumurap-kurap.

Agad akong naguluhan sa inasta niya.

"Ate ahh I mean kumain naba yung mga kaibigan mo?" Biglang pagpapalit niya ng tono at nagtunog masaya na.

Kinunot ko ang noo pero hindi na pinagtuunan pa ng pansin ang kilos niya.

"Nakakain na ba kayo?" Ako naman ang nagtanong sa kanila.

Isa-isa silang tumango doon at nag-ayang lumabas para maka-inom kami sa garden dahil kung dito sa loob masyadong pormal ang mga panauhin.

"Mom." Agad akong nagtungo kung asaan si mommy.

"Yes? Anak?" Malambing na tugon sa akin ng ina.

"Mga friends ko mom." Agad kong pinakilala ang mga kaibigan ko doon at ng mapansin ni mommy si Jaime ngumiti naman agad ito.

"Good evening po." Magalang na bati nila Moirie.

"Are you enjoying the night?" Masiglang tanong ni mommy.

"HA HA oo naman madam." Natatawang sabi ni Jaime kaya natawa na din si mommy.

"Mom punta lang kami sa garden at doon po kami mag iinom po ng kaunti." Pag papaalam ko.

"Sure hija‚ enjoy the night with your friends at alalay lang sa inom." Pagpayag niya naman kaya nakalabas na kami.

"How are you?" Napalingon ako sa gilid ng mahinang magtanong ang tahimik na si Mortezo sa tabi.

Nakita ko ang pagkukulitan nila Moirie at Roy kasama si Jaime pero hindi nakikihalubilo si Mortezo doon.

"Ayos lang naman. Ikaw ayos ka lang ba?" Mahinhin na pagsagot at pangungumusta ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkurap-kurap niya at napansing nahalata ko ang mood niya ngayon.

"I'm just happy for you." Maikling sagot nito.

Napatango nalang ako kahit madaming tanong na nabubuo sa isipan ko.

Paano siya magiging masaya kung nakasimangot naman siya.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now