Chapter 26

275 7 0
                                    

Attack

"Allora!!" Bigla akong napabagsak sa sahig kasabay ng pagsalo sa akin ng mga bagong dating kong mga kaibigan.

"Allora please!" Punong puno ng pag-aalala ang bumalatay sa mga muka nila Moirie ng makita ang kalagayan ko.

Hindi ko na maidilat ang isa kong mata at punong puno na ng dugo ang buo kong katawan dahil sa pag atakeng ginawa ng mga lumusob na mga kalaban.

"Paano niyo nalaman?" Mahina at hirap na hirap kong tanong sa kanila ng ipag taka ko kung bakit sila nandito sa Rotona.

"Everyone sense it kahit sa ibang karatig na bayan. Hindi ko alam bakit hindi niyo naramdaman dito sa mismong rotona high 'gayong ito ang centro lalo na sa taglay na abilidad mo." Nag-aalalang sabi ni Roy ng makita ang kalagayan ko.

Nakita ko ang paglibot ng paningin nila sa buong paligid na halos giba na ang mga dingding dahil sa malakas na pagsabog na naganap kani-kanina lang.

"Asan si Ralph diba naiwan din sya dito sa Rotona?" Seryosong tanong ni Mortezo habang naka kunot ang noo.

Naramdaman ko ang panlalamig sa buo kong katawan ng muling mag sink in sa akin ang mga nasilayan ko kanina hanggang sa lumipas ng mabilis ang oras at muling nakabalik sa paaralan ang mga kaibigan ko hanggang sa madatnan nila ako dito sa lupa at puno ng galos at pasa.

Nakangiti akong bumangon sa kinahihigaan ko umaga ng ika  tatlumpu't isa ng Disyembre. Inunat ko ang dalawa kong braso at mabilis na nilingon ang katabi.

"Ahhh!" Kaagad akong napahiyaw ng masilayan na gising na pala sya at saktong paglingon ko sa kaniya kaagad gumapang ang kamay niya sa ilalim ng comforter at sakupin ang bewang ko para mahatak niya ako papalapit sa kaniya at pumai-babaw mula sa dibdib niya.

"Good morning love." Tinampal ko sya ng bahagya sa braso niyang nakapulupot sa leeg ko ng batiin niya ako sa umaga at kaagad kagatin ang tenga ko.

"Stop it Ralger‚ isang linggo palang simula ng naging tayo sobrang clingy mo na." Pang-aasar ko sa kaniya pero parang hindi niya nagustuhan iyon ng bumalatay kaagad sa ekspresyon ng muka niya ang pagka-uyam.

"Why? You didn't like it?" Kunot noong tanong niya at kaagad kong naramdaman ang paglalim ng hininga niya.

"It's not like that--"

"No‚ tell me you didn't like it do you?" Pinutol niya ang pagsasalita ko at kaagad akong binara.

"No‚ i actually love it. I'm just kidding you know." Bumigay kaagad ako na siyang ikinaluwag ng paghinga nya at paglamlam ng mata.

He suddenly give me passionate kiss hanggang sa tumagal pa iyon at lumalim and i felt something hard as rock between my tummy when I suddenly got closer to him.

Nanlaki ang mata ko at napabangon at lumayo sa kaniya. Muli kong naramdaman ang paglalim ng hininga niya ng makita ang reaksyon ko. Alam kong alam niya na ayaw ko muling maulit ang mga nangyari sa amin ng mga nagdaang araw hanggat nag-aaral pa kami at hindi nakaka graduate.

Napabuntong hininga sya at ginulo ang buhok.

"Don't worry umaga ngayon‚ it's pretty normal." Huling tugon niya sa umagang iyon bago dumating ang hapon.

Nakangiti akong pumunta sa malaking cafeteria namin kung saan pwede mong mabili ang lahat maliban lang sa makakain tuwing oras ng kainan‚ nagsisilbi din namin itong grocery store sa paaralan.

Kaagad akong gumala sa malawak na cafeteria at bumili ng ibang mga kagamitan na maaring pang bake dahil naisipan ko gumawa ng cupcakes para sa darating na bagong taon mamayang madaling araw.

The Command of HeartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu