Chapter 5

441 9 0
                                    

First Training

"What kind of training you guys doing everytime?"

Natutulala akong nakikinig lang sa mga usapan nila at hindi parin makapaniwala na parte na ulit kami ng grupo.

Isang araw lang naman kaming natanggal sa posisyon pero malaki parin ang pasasalamat ko at nakabalik na kami sa grupo. Dahil kapag tumagal pa iyon walang araw na hindi ko iniisip ang kalagayan ng paaralan ng hindi nalalaman ang kahit anong plano ng bagong grupo sa paaralan.

"Manonood ako sa practice niyo ngayon" nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tinig ni Mr. Amer na nakaupo pala sa harapan kung saan maaring mapanood ang dalawang naglalaban na nag ti-training.

Hindi ko na talaga maintindihan ang mga kinikilos ng mga tao dito sa paaralan na ito, first time kasi manonood ng dean sa pag ti training namin. Tinignan ko sila Moirie at parang normal lang iyong sinabi ni Mr. Amer.

"Well as usual partner partner ulit ang pag ti training." Sagot ni Mortezo sa tanong ng lalaking nakasalamin kung anong klaseng training ang ginagawa namin.

Tumango ang mga ito at nagsimulang kumilos si Mr. Amer nasa kaniya ang relong hologram kung saan namin malalaman lahat kung sino ang magiging katunggali namin.

"Gusto kong makita ang mga kilos niyo ng hindi pa nalalaman ang mga abilidad ng bawat isa at para alam kong handa kayo lagi at alam ang gagawin sa mga nakakalaban na walang kahit na anong alam sa mga kayang gawin ng katunggali. Nais kong makalaban niyo ang bawat isa mula sa old fabulous group at mula sa new group." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Amer. Ibig sabihin ang makakalaban ko ay isa sa mga miyembro ng bagong grupo na ito. Napalunok ako dahil halos lahat kami dito ay clueless sa mga abilidad ng bawat isa. Ang tanging nakaka alam lang nito ay mga tao sa sarili mong grupo.

Napalunok ako at medyo kinabahan sa kadahilanang, sino ang makakalaban ko?

Kinakabahan akong pinagtagpo ang dalawa kong kamay na animo'y nagdadasal ng simulang pindutin ni dean ang relo at biglang nag shuffle sa hologram yung mga pangalan ng bawat isa.

"Okay step forward, Ms. Moirie vs Ms. Hazel. kayong dalawa ang mauuna maglaban." Napalunok ako ng makita ang walang ekspresyon na muka nung Hazel. Ngayong nasa malapitan ko siyang nakikita, mas bumagay ang aura ng muka niya sa maikli at sobrang itim niyang buhok, ganon pa din ang ayos ng muka niya na maraming kolorete na puro itim o kaya ay dark violet naman.

May tiwala naman ako sa kakayahan ni Moirie pero hindi ko parin maiiwasang kabahan sa itsura ng Hazel na mukhang seryoso din palagi.

Napa angat ako ng tingin kay dean ng muli niyang pindutin ang relo at mag shuffle nanaman yung hologram.

"Next, Mr. Roy vs Mr. Nordy step forward." Lumingon ako sa lalaking nakasalamin at nagulat ng lumingon din eto sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng makita ko ang pag ngiti nito sa akin.

"Okay last call." Kinabahan ako ng matira kaming apat nila Mortezo kasama si Ralger at yung babaeng mahinhin.

Hindi ko na alam.

"Okay, I don't need to shuffle this time, since yung mga nauna girl to girl at boy to boy, ganoon nalang din ang sa inyo." Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng makita ko sa peripheral vision ko ng tumingin sa direksyon ko si Ralger. "Ms. Allora and Ms. Monique, Mr. Mortezo and Mr. Ralph, go on."

Umupo kaming lahat sa bench ng training room at magkabilaan parin iyon kasama ko sa bench sila Roy at Mortezo, magkakasama naman sila Ralger, Monique at Nordy.

Tumungo na sa gitna si Moirie at si Hazel naghahanda para sa kanilang paglalaban.

"Moirie." Mahinang bulong ko sa pangalan ng kaibigan. Ako ang mas kinakabahan sa kanilang lahat dito feeling ko nga mas kinakabahan pa ako kay Moirie.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now