Chapter 7

411 8 0
                                    

Visit

Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng gate ng malawak na paaralan ng rotona sabado ng umaga. Hinihintay pa kasi namin ang ipinadalang tauhan ni dean na maaring mag drive sa sasakyan na dadalhin namin papunta sa bayan ng rotona.

"Antagal naman?" Basag sa katahimikang tanong ni Roy.

Mahigit sampung minuto na kasi kaming nakatayo doon sa harapan ng gate dahil wala pa ang sasakyan na dala-dala naman ng tauhan ni dean.

"Teka nga mag si cr lang ako." Naiinip na paalam ko sa kanila dahil bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng pantog ko.

"Samahan na kita" tumango ako kay Moirie ng mag alok siya na sasamahan niya ako. Mabilis lang akong pumunta sa isang cubicle at umihi na doon at inayos lang ng kaunti ang tikwas ng buhok ko at bumalik na ulit kami.

"Sa wakas." Nakahingang bigkas ko ng makitang wala ng tao sa gate at sa harapan non ang isang malaking travel van. Nakaramdam ako ng excitement sa nakita at nagmadali na pumunta na doon.

Mabilis kong binuksan ang gitna ng van dahil ayoko sa likuran at matagtag doon. Nanlaki ang mata ko ng masilayan at mukhang makakatabi ko doon si Ralger na seryosong naka upo lamang at nakatingin lang sa harapan.

Balak ko pa sanang tawagin si Moirie at makikipag palit na sa likuran ng makitang naka upo na siya doon at kumpleto na sila at wala ng espasyo para sa akin, at dito naman sa gitna ng van dalawa lang kami. Hindi ko maintindihan bakit nagsisik sikan silang lima doon sa likuran e matagtag at mauga doon. Katabi naman ng driver si Nordy na kakasakay lang pero tulog agad.

Napapalunok akong dahan dahang naglakad papunta sa bintana dahil gusto ko doon kahit nandoon na siya sa puwesto.

Hindi ako nagsalita at pinilit na umupo sa bintana kaya napakandong ako sa kalahating hita niya kaya mabilis ko itong naitulak at napalunok ng maramdaman ang kalahating umbok doon sa hita ko lalo na at nakamaong lang ako na short kapartner ng kulay pink kong jacket.

"Umurong ka kasi" pigil ang kabang sabi ko at hindi na siya tinignan pang muli at pinikit ko ang mata ko para magpanggap ng matutulog kahit hindi naman ako nakakaramdam ng antok.

"Dapat sinabihan mo nalang ako na gusto mo sa bintana." Mahinahong sabi niya.

Umirap ako habang nakapikit ang mga mata at hindi na siya sinagot. Sa sobrang katahimikan sa van ang pag papanggap kong tulog ay natuluyan, at nakatulog na nga talaga ako at nagising nalang ng maramdaman ang ingay sa paligid at pagbukas ng mga pintuan ng sasakyan. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nanlalaki ang mga mata ng makita kung saan ako nakahilig. Mabilis kong inangat ang ulo ko ng bumaling sa akin si Ralger at makitang gising na ako kaya nakagalaw na siya.

"S-sorry." Nahihiyang sabi ko matapos kong humilig sa balikat niya habang natutulog.

"It's alright." Maikiling sabi niya at bumaba na rin ng sasakyan.

"Kuya saan ka?" Narinig kong tanong ni Mortezo sa driver.

"Sasama po ako." Napakunot noo ako ng may maramdamang kakaiba sa boses ng driver.

Bumaba na rin ako mula sa sasakyan at mabilis kong naramdaman sa muka ko ang malamig na simoy ng hangin dulot ng maagang oras. Sinulyapan ko pa ang driver pero mabilis ko nalang iyong binalewala dahil sa excitement.

Tumambad sa akin ang isang mataong lugar at punong puno ng mga iba't ibang pamilihan at pamilyar na amoy ng kapaligiran, bigla akong napangiti.

I'm here.

Hindi na nawala ang ngiting naka marka sa mga labi ko habang naglilibot kami sa buong bayan, hindi maiwasan ng mga tao sa bayan na mapalingon sa gawi namin dahil na rin siguro hindi pamilyar ang mga muka namin at kumpulan pa kaming siyam kasama ang driver.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now