Chapter 16

358 8 0
                                    

Promise

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Ralger dahil baka sumabog lang ako sa galit kapag ginawa ko.

"Nasaktan ka ba?" Marahang tanong niya. Marunong naman pala siyang magsalita ng hindi english.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil naka pangko siya sa gilid ng bato na kinauupuan ko kaya nasa harapan ko siya at pinipigilan ang mga binti ko sa pag galaw.

"Hindi, umalis kana." Malamig na sabi ko.

Nakita ko ang pagsama nanaman ng tingin niya at pagkagalit.

"Why you're so cold?" Mariing sabi niya. Nakita ko ang pag galaw ng panga niya sign na sobrang naiinis na siya sa akin.

"Anong why I'm cold. Umalis ka dahil giniginaw talaga ako." Ambang aalis na ako at lalangoy pabalik sa mga kagrupo namin pero pinigilan niya ako at muling pinangko. This time he's holding my both hands kaya mas lalo akong hindi nakagalaw.

"No!" Nairita ako at hinayaan siya sa gusto niyang gawin.

"Ano ba kasing gusto mo?" Hindi ko na napigilan at sumabog na sa galit.

Bakit ba ang hilig hilig niyang lapitan ako at ituring ng ganito gayong may girlfriend siya!

Is he a cheater?

Balak pa ata akong gawing third party ng gago.

"I wan't to know why you're so cold?" Mahigpit ang hawak niya habang nagpupumiglas ako sa mga kamay niya.

"What do you mean by cold?" Tumigil ako sa pag pupumiglas sa kaniya at binalingan na siya ng tingin dahil mukhang wala talaga siyang balak pakawalan ako ngayon.

Ni hindi ko nga alam bakit ba kasi siya ganito sa akin. Lapit siya ng lapit. Hindi ko maintindihan ang gusto niya. Kung gusto niyang makipag kaibigan ayos lang naman pero hindi ganito ang mag kaibigan.

Isa pa may girlfriend siya!!

"Cold, you're cold to me. Hindi mo ako kinakausap at pinapansin sa mga nagdaang araw." Gusto kong matawa sa paratang niya sa akin.

"Anong hindi kinakausap? Hindi naman talaga tayo nag uusap simula ng dumating kayo sa rotona high!"

"No we're okay that night!" Mas lalo akong nainis sa kaniya ng i bring up niya ang gabing iyon. Kung saan nagloko siya sa girlfriend niya.

"No! Hindi!" Mariing tanggi ko at tanggal sa kamay niya sa kamay kong hawak niya.

"Can you please tell me the reason why you're acting like that after that night?" Muling tanong at hawak niya sa kamay ko.

Hindi ako sumagot at hindi manlang siya binalingan ng tingin.

"Is it because of the kiss?" Napalunok ako ng sabihin niya iyon. "You didn't like it don't you? But you kissed me back?" Muli siyang nagpatuloy at pinapa iral nanaman ang kakulitan kaya lumalim na ang hininga ko plus ang lapit niya pa.

"H-hindi, hindi dahil sa halik." Pinipigilan ko ang pag ka utal habang nagsasalita ako pero hindi ko ata kaya iyon.

"Then what? I'm confused." Para na siyang nababaliw sa aura ng muka niya at gulo gulong buhok. "Tell me please." Nakita ko ang pag pungay ng mga mata niya habang nakatingin ng diretso sa akin, sa hindi malamang dahilan nanghina ako.

Tinaas niya ang isa niyang kamay at iniyakap iyon sa maliit kong bewang kaya kaagad niya iyong nasakop. Dahil sa lapit niya sa akin naabot niya ang leeg ko kaya nakayuko siya doon.

Gusto kong maiyak ng makaramdam ng kung anong kiliti doon.

Nabibihag niya ako hindi puwede to.

"May girlfriend ka tigilan mo na ako." Kaagad ko iyong sinabi bago pa ako mahulog sa patibong niya.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now