Chapter 6

427 8 0
                                    

Plan

Mabilis akong nagtungo sa kitchen ng clinic at kumuha ng tubig na maiinom ni Moirie.

"Oh" alok ko sa kaniya habang nakaupo siya sa kama ng clinic.

"Thanks" maikling sagot niya at inom sa tubig na bigay ko.

"Ayos kana ba?" Nag aalalang tanong ni Mortezo.

"Ayos na ako, huwag na kayong mag alala, pahinga lang ang katapat nito." Ngiting sabi niya pero hindi parin mawala sa amin ang pag aalala.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa kinalabasan ng training nila Moi at Hazel ang kakayanan o abilidad na kayang gawin ng babaeng iyon. Mind controller? Minsan ko ng narinig ang tungkol sa abilidad na iyon at nakakarinig sa sabi sabi ng iba na isa sa pinaka maswerte ang taong may kakayahan na mag manipula ng isang isipan, pero hindi ko iyon pinapansin at binabalewala lamang dahil hindi naman ako interesado at hindi ko naman iyon abilidad.

Pero dahil sa nasilayan ko kanina nabuksan ang kuryusidad ko para dito.

"Aaa maiwan ko muna kayo dito. Aayusin ko lang yung ibang gamit ko sa dorm medyo di kasi maayos at magulo dahil kakalabas ko lang din naman ng clinic." Pagsisinungaling ko at pag aalangan na paalam ko sa kanila kahit hindi kapani paniwala ang paalam ko.

Ngumiti sila at tumango na mukhang napaniwala ko naman.

"Mag pagaling ka Moi." Nakangiting pagpapa alam ko at pagtatapos sa usapan.

Mabilis akong lumabas ng clinic at nakasalubong ko pa yung nurse ng clinic na papasok sa loob para tignan ata ang kalagayan ni Moi. Nag ngitian lang kami nito.

Mabilis akong nagtungo sa loob ng library at pumunta sa hilera ng mga libro kung saan mababasa ang lahat ng mga tungkol sa abilidad ng bawat tao sa bayang ito.

Walang tao sa buong silid aklatan kahit ang taga bantay dito at malamang ay nasa kaniya kaniyang training room parin ang lahat. Dahan dahan akong naglakad kahit na walang tao palingon lingon ako sa paligid na para bang kalabag labag ang gagawin ko. Hindi ko lang talaga maiwasang kabahan sa maari kong malaman sa mababasa ko ngayon dahil sa kagagawan ng kuryusidad ko.

Napalunok ako ng masilayan ang librong maaring makapagpa pawi ng mga kuryosong mga bagay sa isipan ko. Napakagat pa ako sa labi ko at tingin pang muli sa paligid kung may tao bang nakakakita sa akin sabay dahan dahan ko itong kinuha.

Nag iingat lang naman ako dahil hindi normal sa kanila na makitang nag babasa ng mga ganitong aklat ang mga nasa grupo. Ang alam nila alam na namin ang lahat sa paaralan at hindi na kailangan magbasa. At hindi normal para sa kanila ang makita ang isa sa mga miyembro ng grupo ang magbasa ng ganitong aklat sa normal na araw lamang. Gagawin lamang nilang big deal ito at pag uusapan hanggang sa kung ano ano ng tumakbo sa isipan ng bawat isa.

Nagtungo ako sa pinaka dulong parte ng silid aklatan na kahit may bagong pumasok hindi ako mapapansin gayundin ang taga pamahala ng silid aklatan ay hindi ako makikita mula sa puwesto niya dahil tago ang parte na pinili kong puwesto.

Napakagat pang muli ako sa aking labi habang dahan dahan na binuklat ang libro. Napalunok ako ng manuot agad sa pang amoy ko ang amoy ng libro na maalikabok at halatang matagal ng panahon simula ng nagawa ito.

'Preparedness for everything'

It's just weird na sa unang pagbuklat mo sa libro ito ang bubungad sa iyong salita.

Dinilaan ko ang nanunuyo kong mga labi at nagpatuloy sa pagbabasa. This curiosity of mine will kill me.

Sa unang pahina nito makikita ang mga taong sumulat sa librong ito at ang mga pamilyar na pangalan ng may ari ng paaralan ng rotona high. Dati pa man noon freshmen palang kami lagi na sa aming binabanggit ang kung ano ano tungkol sa background ng paaralan at isa na doon ang may ari nito. It feels like they're the goddesses of this place dahil narin sa kilala sila bilang mayayaman and well known people of this town.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now