Chapter 11

384 9 0
                                    

Festival

"Gising na allora." Bulong ko sa sarili ko habang sinasampal sampal pa ang sarili para tuluyang magising ang diwa.

Mabilis na lumipas ang mga sandali at kasalukuyang araw na ng school festival.

Hindi pa tumutunog ang kamapana ng buong paaralan dahil sobrang aga pa. Pero kailangan naming magising ng maaga dahil kami ang mag aayos ng buong open field para sa activity ngayong araw.

Napag usapan naming grupo na hindi kami matutulog sa group dorm kagabi para makapag ayos din kami ng mga gamit sa kaniya kaniyang dorm.

Kasalukuyan akong nasa dorm ko at mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili bago ako dumiretso sa loob ng open field.

Nag lagay ako ng cream sa muka at nagdagdag narin ng pampapula sa labi at pisngi. Sinulyapan ko ang mga gamit ko sa kama na naka ready na at isang bitbitan nalang mamaya pagtapos ng kasiyahan.

Walang kakulay kulay ang buong paligid pagka apak ko palang dito, ako palang ang tao at wala pang nararamdaman na kahit na sino na papunta na dito.

Ang napag usapan kasi naming lahat magkita kita nalang diretso sa open field para wala ng hintayan na magaganap. Sila Hazel na rin ang nagsabi kagabi na sila na ang magdadala ng mga kagamitan na mga pang dekorasyon.

Alas tres palang ng umaga at sure naman ako na matatapos namin ito bago mag ala sais at doon mag aayos ang bawat klase sa mga hinanda nilang mga booth o kung anong mga pakulo nila. Alas otso naman ang start ng pangkalahatang program kaya madami pa kaming oras makapag handa.

Napalingon ako sa likuran ng may maramdaman na parang merong tao sa likod ko.

"Morning." Tipid na bati ni Monique.

Mag isa lang siya at walang ibang kasama agad napadapo ang paningin ko sa kamay niya ng makitang may mga bitbit siyang ibang mga pang dekorasyon.

"Morning." Bati ko at naglakad sa ibang direksyon para magmukhang abala sa pagtingin sa buong paligid kahit na wala naman talagang ginagawa at hindi alam ang gagawin.

"You've been here for a while?" Napakagat ako sa labi ko ng marinig ang boses niya at magtanong.

Umaasa pa akong hindi para sa akin ang tanong na iyon pero wala namang ibang tao dito bukod sa aming dalawa.

"Uhm, not really." Tugon ko ng walang reaksyon sign na ayaw kong makipag usap habang hindi parin ako humaharap sa kaniya.

"You hate me. Am I right?" Napakunot ako ng noo at napilitang humarap sa kaniya.

"What?" Takang tanong ko hindi maintindihan ang sinasabi niya.

It's awkward na may kausap kang lagi mong nakikita pero hindi mo naman laging naka kausap. And to have a conversation with her right now is too awkward for us. And I still can't get the point why she's still asking and keep or trying to talk with me kahit na halata namang ayaw ko talaga.

And she's asking that kind of question? Is she crazy?

"I'm just trying to lighten the atmosphere here" lumapit siya ng kaunti sa akin at nakangising sinagot ako.

Can she just shut up and wait for others without talking to me?

"You're jealous that night isn't it?" Muli siyang nagpatuloy at hindi ko na talaga maintindihan ang pino point niya ngayon.

Lumapit pa siya sa akin at namumula na ang pisngi niya at parang umuusok ang ilong dahil sa sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. What's with her?

"W-what? What did I do to you?" Naiinis na ring baling ko sa kaniya. Naguguluhan sa tungo niya sa akin.

First time namin mag usap na dalawa lang at ito ang itatanong niya sa akin para maging topic namin.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now