Chapter 34

222 7 0
                                    

Seriously

Agad kong naramdaman ang bahagyang init ng araw sa muka ko ng magising isang umaga.

Nag-unat ako ng kamay at napakusot nalang sa mata.

Mag-isa lang ako sa silid ko kung saan iyon naman talaga ang tinutulugan ko simula pa noong unang pagtapak ko sa Rotona High.

Agad akong nag-ayos ng higaan at agad naligo. Nang matapos maligo at paglabas na paglabas ko ng bathroom nakarinig na agad ako ng katok mula sa pinto.

"Mortezo?" Agad at takang tanong ko ng tumambad sa harapan ko si Mortezo at basa pa ang buhok nito sign na kakatapos niya lang din maligo.

"She's waiting for you there." Siya habang seryoso ang mga mata at itinuro ang malayong parte mula sa silid ko.

Tumango nalang ako at alam na agad kung sino ang tinutukoy niya.

Nagsuklay lang ako at nag-ayos ng bahagya sa muka at agad ng lumabas at pumunta sa lugar kung asaan siya.

Agad akong napabuntong hininga at pinilit iparamdam sa sarili ang lamig ng hangin ng umaga para makadagdag kahit papaano sa gaan sa dibdib.

Lumingon ako sa bahaging may naaninag akong anino at agad na siyang nakita doon.

Napabaling pa ako kay Mortezo na andon din. Sinulyapan niya ang nasa harapan at saka balik ng tingin sa akin at umalis na siya.

Napakunot pa ako ng noo dahil lubusang nagtataka paano sila naging magkakilala at animong matagal ng nagkakilala.

Knowing Mortezo hindi siya mahilig makihalubilo sa iba unlike Roy na kahit kanino yata kaya niyang pakisamahan‚ kahit ang kalaban pa.

I smirked because of my thoughts. Agad naman akong umiling at binalewala ang iniisip ng lumingon na sa gawi ko ang pakay ko dito.

"Ate Gie." Ako sa marahang boses at unti-unting naglakad papalapit sa kaniya.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin niya sa likuran ko na animong may tinitignan kung may kasama ba ako. Agad niya rin namang ibinalik sa akin ng makitang mag isa lang ako at walang ibang kasama.

"Allora." Bakas sa boses niya ang hindi man masigla pero may ngiti sa labi.

Agad siyang lumapit at hinawakan ang braso ko at biglang niyakap. Agad ko namang sinuklian ito.

"Kumusta ka?" Paninimulang tanong niya sa mahinang boses.

"Ayos lang naman ako ate. Ikaw?" Ako naman ang nagtanong.

Hindi niya ako sinagot at naupo sa upuang bato doon. Agad ko siyang sinundan sa ginawa at naupo sa tabi niya. Namutawi ang mahabang katahimikan sa pagitan namin bago siya nagsalita.

"Maayos naman ako Allora‚ huwag mo akong alalahanin."

Nakita ko ang pagkatulala ni ate Gie habang nakatanaw sa malayong parte mula sa kinaroroonan namin.

"Alam mo ba ang totoo?" Hindi ko na napigilan ang sarili at ako na ang nagtanong sa kaniya. Nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya pero agad na ngumiti ng marahan.

"Mmm." Pagtango niya at sagot ng maikli.

Naubos na yata ang luha ko ng mga nagdaang araw ng wala manlang pumatak na luha sa mga mata ko kahit iyon ang isinagot niya.

Ngayong matagal tagal ko na ring alam na hindi kami magkadugo‚ hindi na ako matamaan sa mga iyon dahil siguro naiyak ko na lahat sa totoo kong pamilya at tanging utang na loob at totoong pagmamahal ang nararamdam ko sa umako sa akin noong bata ako para maging ligtas.

The Command of HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora