Chapter 19

346 6 0
                                    

Owner

"Pagpahingahin nalang muna natin siya." Ang higante matapos painumin si Moirie ng kung anong likido na kulay puti naman tapos nakatulog na siya.

"Ayos na po ba siya?" Kaagad na tanong ko nag-aalala.

"Maayos na siya pero hayaan niyo nalang muna siyang matulog para mas makapag pahinga siya at mas maayos ang pakiramdam pag kagising." Tumango ako at nanatili sa tabi niya. "Sumunod kayo sa akin ipag hahanda ko kayo ng makakain." Dinugtong iyon ng higante kasabay ng paglabas niya sa silid at pinasunod sila sa kaniya.

"Ikaw?" Napalingon ako kay Mortezo ng kalabitin niya ako ng wala akong planong lumabas o sumunod manlang sa kanila.

"Hindi na, babantayan ko nalang si Moirie dito." Kaagad na tugon ko.

Tumango siya hanggang sa lumabas siya at wala ng ibang tao sa kwarto kung hindi kaming dalawa nalang ni moi.

Pinagmasdan ko ang muka niya, mapula pa din ang mga pisngi niya at ibang parte ng katawan pero nawala na ang mga umbok doon dahil naghilom na ang mga pantal simula ng painumin siya ng likidong puti ng higante kanina tapos inantok siya.

Mukhang iyon ang side effect ng lunas para sa mga nanuno.

So punso pala iyong mga kumpol kumpol na lupa? Hindi ko manlang alam iyon kasi kanina habang naglalakad naman kami papunta dito hindi naman pinakialamanan ni moi ang mga iyon o kaya naman tinadyakan, ginambala.

Pero ang naaalala ko binati iyon ni moi dahil masyado siyang nawili doon. Kaya siguro siya nanuno.

Nakahawak pa ako sa ulo ko habang nakayuko sa tabi ng higaan ni Moirie ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan.

"Ayy." Napatayo ako ng makitang ang higante iyon habang may dala-dalang pagkain. "Sana po hindi na kayo nag-abala pa." Nahihiyang dugtong ko sabay kuha sa pagkain.

"Hindi kumain ka hija dahil alam kong pagod kayo sa paglalakbay niyo." Napangiti ako ng mabait talaga ang higanteng ito. Kaya naman pala ang gaan din ng loob ko sa kabilang tulay kasi andito siya. Mabait na higante.

"Ahh, kung ayos lang po puwede ko bang matanong ang pangalan niyo po?" Magalang na tanong ko nag-aalangan pa dahil baka hindi niya gusto ang ideya na ganon.

"J.A.I.M.E ang pangalan ko." Napakunot noo ako ng sabihin niya iyon kada letra at hindi ko pa maproseso sa utak ko ng ilang segundo.

"Jeym po?" Bigkas ko doon sa madaling paraan.

"HAHAHA bakit tuwing ini spell ko ang pangalan ko ay laging sosyal ang basa niyo, Hayme lang yan hija, HAY-ME!" Napakamot ako sa ulo ng sabihin niya ang totoong pangalan at paano bigkasin ito ng tama.

"Pinasosyal ko pa. Pasensya na po haha." Natatawa at naiilang na sabi ko.

"Ayos lang hija, pero sure ka ba na diyan ka kakain? Puwede mo naman iwanan ang kaibigan mo dahil maayos na ang lagay niya." Muling aya niya sa akin at ambang aalis na.

"Opo dito nalang po ako hintayin ko magising si Moi." Nakangiting usal ko.

"Oh sige balikan ko lang ang iba niyo pang kaibigan doon sa sala."

Tumango ako at tuluyan na nga siyang lumabas. Sinulyapan ko pa ang bigay niyang pagkain at napangiti ng tinolang manok iyon at napakadaming sabaw.

Kaagad akong humigop sa sabaw na iyon at biglang nakaramdam ng gaan sa pakiramdam na hindi ko mapaliwanag.

Si manong Jaime ba ang nagluto nito? Ang sarap niya din pala mag luto.

Kaagad ko iyong naubos kaya lumabas muna ako pansamantala sa silid na pinagtutulugan ni Moirie para mabalik ang mga pinagkainan ko.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now