Chapter 2

464 10 0
                                    

Back to Back

Ramdam ko ang lamig ng hangin sa aking balat sa pagtapak ko palang sa buong open field na namumukadkad ang liwanag sa gitna ng gabi.

Nakita ko ang halos punuang puwesto sa kada bleachers seat na makikita mo kahit anong oras na at dapat lahat ay nasa kaniya kaniyang dorm na.

Ang medyong maingay na paligid ay tumungo sa pag ihip ng mga ibon ng maramdaman ng bawat isa na nakapasok na ako sa field.

"Allora" napalingon ako sa kunot noo at seryosong si Mortezo ng tawagin niya ako mula sa isang medyo malayong bleacher mula sa akin.

Lumakad ako papunta doon at sinulyapan silang lahat.

"Anong plano mo Allora?" Mihinang bulong ni Moirie sa akin at lingon lingon sa paligid kung may nakatingin ba sa amin.

Malayo kami sa mga ordinaryong estudyante sa mga bleachers sa puwesto namin kaya hinayaan ko ang sarili ko na magsalita ng maayos.

"Katulad lang ng dati" napapabuntong hiningang sagot ko.

Kahit ako ngayong nakatulog ako kanina, kahit papaano nahimas masan na ang ulo ko at hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba itong pinag gagawa ko pero at the same time naiisip ko din na kailangan nilang parusahan sa mga ginagawa nila at hindi dapat namimihasa.

Kaya ipinigpatuloy ko.

Naglakad ako papunta sa gitna ng open field kasabay nila Roy sa aking likuran at ibinaling ng lahat sa amin ang atensyon ng makita nilang kumpleto kami sa harapan.

"Good evening" malumanay na bigkas ko sa harapan ng mikropono.

Ramdam ko sa tibok ng puso ko na kinakabahan ang lahat ng mga nasa paligid.

Tumikhim ako at nilibot ang mata sa paligid. Nakita ko ang dalawang hati sa mga bleachers ang isa ay sa puwesto ng lalaki at mga boto sa kaniya at ang isa ay sa kalaban kasama ang mga may boto dito at si Fatima.

Ganito ang sistema ng paglalaban sa open field kung saan ka boto doon ka pupwesto.

Nakita ko ang dalawang lalaking nakatayo sa magkabilaang puwesto kung saan silang dalawa ang maglalaban.

"Limang minuto para sa paghahanda" sabi ko at hinayaang maghanda ang bawat isa.

"Hindi mo na ba patitigilin yan allora? Maari pa naman huwag ng ituloy." Sabi ni Roy.

Binalewala ko siya at nilibot ang paningin.

Nakita ko ang paglapit nila sa pinaka gitna ng field at paglibot dito ng mga nanonood kita ko ang paghahawak hawak nila ng mga kamay at pagpikit ng iba parang ayaw masaksihan ang maaring mangyari.

Nasulyapan ko pa si Fatima na may nag aalalang mga mata, dumapo ang paningin niya sa akin ng may nagmamakaawang tingin.

Binalewala ko din siya at ng makita kong maayos na ang lahat, mabilis kong sinimulan ang laban.

"Start." Sigaw ko.

Mabilis na nagharap ang dalawang lalaki na may parehas na kulay itim na buhok pero may bangs lang ang isa.

Mabilis na lumapit ang may bangs sa kalaban at pinatamaan siya ng kulay itim na usok, napaatras ang kalaban at kinakapa ang abilidad ng kalaban.

"Isa siyang smoke manipulator" bigkas ni Roy.

Napa ubo ang mga nanonood sa kilos na ginawa ng smoke manipulator. Ang smoke manipulator ay may kakayahang manipulahin ang usok maari niyang ipalibot ito sa kalaban ipasok sa katawan oh patigilin ang paghinga ng kalaban sa pag gamit lamang ng usok.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now