Chapter 9

393 10 0
                                    

Drunk

"What was that dean?" Nagtatangis sa galit si Mortezo pagkaharap na pagkaharap palang namin kay Mr. Amer.

"What? What do you mean?" Naguguluhang baling naman ni dean kay Mortezo habang nakakunot ang noo at may mga inaayos pang mga papeles sa lamesa niya.

"That driver you just brought to us!" Tukoy ni mortezo na wala ng ibang paliwanag.

"Uh-huh, What's with him?" Parang walang pakialam naman na tanong ulit ni dean.

Bigla akong nairita.

"Seriously Mr. Amer!, halos mamatay na kaming lahat kanina tapos nakauwi na kami lahat lahat dito parang wala ka paring nararamdaman na kakaibang nangyari sa amin?!" Sabat ko dahil hindi ko na kinakaya ang ka-pilosopohan ni dean.

Doon naman bumaling si dean sa amin ng may seryosong tingin at mukhang napukaw na ang atensyon sa amin.

"What happened?" Kung kanina wala ang atensyon niya sa amin ngayon naman parang ikagagalit niya kung may iistorbo pa sa kaniya at mawalay ang piningin niya sa aming lahat na nasa harapan niya.

"Yung driver lang naman ho na ipinadala niyo sa amin ay may binabalak hong masama, kalaban pa yata tss." Napapailing iling na sabi ni Hazel sabay kutkot sa kuko niyang bagong pakulay pa yata.

"What? Asan na siya ngayon!?" Parang naalaramang tanong ni dean.

"Natakasan namin." Maikling sagot ko.

"I need to report this first sa buong school officials, especially to my sister." Tukoy ni dean kay Mrs. Darly. "You can go now magpahinga nalang muna siguro kayo at pagod kayo alam ko." Dugtong niya pa kaya nagsilabasan na kami sa office niya.

Tahimik kaming lahat habang tinatahak ang group dorm namin. Wala kaming naging planong lahat na sa group dorm kami matutulog namalayan nalang namin tinatahak namin yung daan papuntang group dorm at kahit nakalagpas na kami sa kaniya kaniyang dorm halos walang nagrereklamo kaya alam kong sang ayon naman ang lahat sa tinatahak naming daan o lugar.

Habang naglalakad sa madilim na daan, ngayon ko lang din napansin o namalayan na madami pala silang mga bitbit na mga naka supot pa. Ngayon lang din ulit nag sink in sa akin na galing pala kaming pamilihan at ang purpose talaga ng paglabas namin kanina ay mamimili para sa darating na school festival.

Sumulyap ako bawat isa sa kanila ng palihim kung anong mga reaksyon nila. Hindi nalang ako tumulong sa pagbubuhat dahil sobrang tahimik talaga sa buong paligid namin at walang nangangahas na mag ingay. Hinayaan kong tahimik naming tinatahak ang group dorm hanggang sa nakarating na nga kami doon.

"Patingin nga ng bitbit ng bawat isa." Si Moi iyon na chinicheck kung may kulang pa ba or kumpleto na.

Nagsi upuan ulit sila sa mat sa sala at pumabilog. Nakisali nalang din ako dahil ayokong mabaling ang atensyon nilang lahat sa akin at maisip ang mga nangyari kaninang umaga.

"Oh asan yung bandiritas?" Si Moi habang hawak hawak yung isang papel at ballpen. Siya kasi ang organized pagdating sa mga  ganiyan siya lagi ang nag aayos noon pa man.

"Eto oh! Kanina pa andito tutuklawin ka nalang sa mata." Napatawa ako ng mabilis kong makitang bumalatay agad sa muka ni Moirie ang pagkainis kay Roy.

Napalunok ako ng makita ko sa gilid ng mata ko ang pag sulyap sa akin ni Ralger na ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala matapos marinig ang bahagyang pagtawa ko.

Hindi ko siya sinuklian ng tingin at pinabayaan siyang nakatitig lang sa akin.

Kinabahan ako ng hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin, buti nalang busy ang lahat sa pag aayos ng mga gamit para sa festival kaya walang nakakapansin sa ginagawa niyang palabas. Pero bago pa nila mahalata ang tingin na ibinibigay sa akin ni Ralger iniwasan ko na agad.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now