Chapter 22

338 9 0
                                    

Thank You

"Magkapatid kayo?" Napalingon kami sa gulat na boses ni Nordy.

Nagtaka ako doon pero nag sink in din kaagad sa isip ko na hindi nga pala nila alam dahil bago lang sila dito at wala pang alam gaano sa amin.

"Huh? Ah oo magkapatid kami, hindi pa pala namin nasabi yon sa inyo? Mag iisang buwan na pala kayo dito." Si Moirie sa maingay na boses.

"Yup, I'm her brother." Si Mortezo naman.

Sinulyapan ko kaagad ng tingin ang apat gulat ang mga mata nila pero hindi pinapahalata ang mga yon. Nakita ko ang pagtikhim ni Hazel dahilan para magpatuloy sila ng grupo niya sa pagkain.

Nagpatuloy ako sa pagkain hindi pinansin ang nakita. Malamig ang ulo ko pagkagising kaya nakipag tawanan pa ako kila Roy hanggang sa maubos namin ang lahat ng pagkain sa lamesa.

"Makakatulog pa kaya tayo neto?" Si Moirie ng paalis kami sa cafeteria para magpunta na sa kaniya kaniyang dorm dahil tapos ng kumain.

"I don't know pero hihiga parin ako pagod pa ako eh." Si Nordy na kaagad dinugtungan ni Roy.

"Makakatulog pa naman ako neto. Papahinga lang antok pa ako noh!"

Nagpaalaman lang kami sa isa't isa at nagtungo na sa dorm.

Sa kalagitnaan ngalang ng paglalakad ko pauwi napalingon ako sa likuran dahil may humatak sa akin.

"Ralger?" Kaagad kong gulat na tanong habang sinusundan siya sa paghatak niya sa akin.

"A-ano?" Muli kong tanong ng matigil kami sa paglalakad sa madilim na parte ng buong campus.

Nilibot ko muna ang paningin sa paligid dahil baka may makakita sa amin. May mga nakikita akong mga naglalakad na estudyante pero sa malayong parte at hindi nila kami natatanaw dito dahil bukod sa malayo madilim pa.

"Are you okay?"

Kaagad kumabog ang dibdib ko sa kaba ng marinig ang tanong na yan mula sa bibig niya.

"Of course, bakit naman ako hindi magiging okay?" Baling ko sa kaniya mu-muntik pa akong mautal pero napigilan ko ayon.

"No, you're not okay. Now tell me, what's wrong?" Sa mababang boses nilapitan niya ako ng malapit hanggang sa mapa-atras ako at mapasandal sa pader kung asan kami.

"W-wala nga sabi. Ayos n-naman ako." Nalagay ko ang dalawang braso ko sa dibdib niya at iniwas ang muka ko para mapigilan siya sa paglapit ng sobra sa akin dahil ilang dangkal nalang talaga maglalapit na ang muka namin.

"Really?" Kahit madilim nakita ko ang pag ngisi niya kaya lalo akong nairita.

"Oo nga kulit mo." Tinulak ko na siya ng malakas para malayo na siya ng tuluyan sa katawan ko.

Nagtagumpay naman ako kaso pagkatulak ko sa kaniya hinatak niya ako at napalapit muli sa kaniya hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit at malambot na bagay sa labi ko.

Muli kong naramdaman ang paggalaw ng panga niya mula sa pagkakahalik sa akin.

"Good night then." Huling sabi niya bago ako pinakawalan.

"Nakakarami ka na ahh!!" Sigaw ko sa kaniya at takbo para maiwan na siya don.

Naglalakad ako sa gitna ng hallway papunta sa auditorium dahil doon kami pinapapunta ni dean huwebes ala siyete ng umaga.

Alam ko naman ang sadya namin kung bakit kami pinapapunta sa auditorium. Syempre dating gawi tuwing galing kami sa misyon at pagnakabalik kami ng ligtas.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now