Chapter 29

251 8 0
                                    

Risk

Grabe ang higpit ng hawak ko sa hawakan ng hagdanan habang pababa ako ng pasilyo dahil mukhang matutumba ako kung hindi ako hahawak gawa ng hilo.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog pero kahit nakapag pahinga pa ako ng napakatagal alam kong wala parin sa kondisyon ang katawan ko.

Agad akong napahawak sa tagiliran ko ng maubo ako at naapektuhan ito. Nakita ko doon ang pagtalsik ng onting dugo sa bibig ko na hindi ko inaasahan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hindi ako pamilyar sa mga tinatahak na daan at walang kasiguraduhan kung saan ako makakarating.

Ang kailangan ko lang ay mapuntahan ko sila Moirie. Pero hindi ko alam kung saan ako dadaan para makapunta sa gawing iyon. Bukod sa napakadilim ng daan at walang kahit anong liwanag napakalawak ng paligid at walang kahit anong palatandaan na gusali.

Kung gumagana lang sana ang abilidad ko na makaramdam madali nalang para sa akin ito‚ ngunit dahil sa panghihina ko hindi ko ito magamit at wala ring pumapasok sa isipan ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pakay nila bakit ako nandito pero base sa kuwento ni Monique nagagalit siya sa akin dahil sa paniniwala ng tatay niya na anak ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito na ni minsan hindi ko inakala.

Ngayon hindi ko alam kung ano ang totoo kong paniniwalaan. Ang driver na alam ay anak ako? O ang nasa panaginip ko. Gusto kong maniwala sa sinabi ni Monique na magpinsan lang kami pero tumatakbo din sa isip ko paano kung galit lang talaga siya sa akin at ayaw akong maging kapatid kaya niya pinalabas iyon at nagsinungaling sa akin. Pinanghahawakan ko naman ang panaginip ko dahil kahit papaano ayokong magmula sa masamang tao. Pero wala akong alam sa kahit anong totoong pagkatao ko lalo na sa totoo kong pamilya kaya ano ang totoo kong paniniwalaan.

Yes I somehow dreamed to meet my parents but not in this kind of scenario to the point that I'm confused.

Si lola lamang ang makakapag pawala ng bigat ng nararamdaman ko ngayon at mas lalong bumibigat ito ng maisip na wala ng nakakapagpawala ng bigat ng nararamdaman ko.

Please 'la give me the answer.

Napalunok ako ng dumagdag sa takot ko sa gitna ng kadiliman ang mga naririnig kong mga kuliglig sa paligid at iyon lang ang pumapasok sa isipan ko dahilan para makaramdam ako ng takot.

Napahawak ako sa bibig ng makarinig nanaman ako ng pagsabog at mahina iyon sa parte kung nasaan ako pero alam kong malakas iyon dahil sa hagupa ng dagundong nito.

Napakadaming tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako ng pagkahaba-haba sa madilim na paligid.

Nararamdaman ko ang pagtulo ng basang bagay sa tagiliran ko at kahit hindi ko iyon tignan alam kong dugo iyon mula sa sugat ko. Hawak hawak ko na iyon para takpan at hindi na magpatuloy sa pagtulo‚ sobra na ang pamamanhid ng tagiliran ko at hindi ko na kinaya at bumagsak ako.

Ngunit bago pa ako mapunta sa lupa may sumalo na agad sa akin na napaka init na bisig dahilan para dalawa kaming mapa-upo

"Shit!" Mura niya sa malutong na tono.

"Don't go near me." Kahit hinang hina pinilit kong lumayo sa kaniya pero parang walang nangyaring galaw.

Nakita ko ang paglamlam ng mata niya at pagiging galit. Kung galit siya sa akin tuluyan niya nalang ako dito hindi yung bubuhatin niya pa ako at magmumura.

"Just end this one‚ kill me now! Fuck you Mr Evelton!" Ako naman ang nagmura ng mapuno kasabay non ang pagtulo ng luha ko.

Huling kita ko sa kaniya ay ng magsara ang pintuan ng saskyan at napakadilim ng mata niya doon at halatang walang buhay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at bumabalik nanaman ang nakasanayan kong itsura. Pero hindi ako puwedeng magpadala sa mga matang iyan dahil maaring niloloko niya nanaman ako. Hindi ko na gustong maloko.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now