Chapter 25

305 7 0
                                    

Love

"Woah!!" Hindi namin napigilan mamangha ng makita ang kalagayan ng buong cafeteria.

Imbis na maging malungkot kami dahil araw ngayon ng mga namaalam na sa mundo mas napahiyaw pa kami ng makitang madaming kaganapan sa loob ng cafeteria.

Napalibot ako ng paningin sa paligid ng makitang madaming pagkain sa apat na mahahabang lamesa at halos kasya kaming lahat ng estudyante halos sobra pa nga iyon para sa lahat. Ang dating puwesto ng bilihan o counter sa cafeteria ay nagsilbing entablado na may mga upuan at lamesa at nagsilbing puwesto ng mga school officials para nakaharap silang lahat sa aming mga estudyante.

"Grabe ang ganda." Manghang bulong ni Roy sa amin.

Kahit kami hindi makapaniwala na grupo dahil hindi rin sinabi sa amin nila Mr. Amer na ganito pala ang gagawin nila sa cafeteria. Hindi din sa amin na assign ang cafeteria tanging ang auditorium lang at open field para sa mga dekorasyon.

Pero kahit papaano napapapamilyar naman ako sa mga naka dekora sa buong paligid ng cafeteria dahil may mga ginamit din kaming ibang mga pang dekora sa assign naming puwesto sa mga ginamit din na materyales dito sa cafeteria.

"Good evening student's of rotona high. As we celebrate the day of our beloved one's that we're not be able to be with and don't have the opportunity to join us tonight‚ I wanted to say thank you for celebrating this occasion with us. Let's stay positive and we can now eat and enjoy the night Rotonians."

Maikling pagbati at paanyaya ni Mr. Amer matapos magsalita ng ibang school officials at si dean ang huling nagsalita bago lumitaw ang mga pagkain sa harapan naming lahat ng biglaan at walang kamalay malay.

"Grabe dami pasabog ng Rotona ngayon himala?" Si Moirie sa tabi ko ng mapansing medyo nakaka gulat nga ang mga nasisilayan namin ngayong gabi.

Kaagad sumang-ayon sila Mortezo sa kaniya kasama na ako.

Well madami ng taon ang nagdaan at ngayon lang talaga ako sobrang namangha sa pakulo ng paaralang 'to. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ngayon ko nakikita ang effort ng school officials ngayong matagal naman na akong estudyante dito.

Masyadong naging masaya ang araw ng mga patay para sa Rotonians ng gabing iyon kaya hindi namin namalayang lahat na mabilis lumipas ang mga araw at kaagad natapos ang buwan ng Nobyembre.

"Ang ginaw gago!" Napasang-ayon ako sa hiyaw na mura ni Roy habang nakayakap sa sarili at hawak hawak ang napakalaking comforter na kaagad kong ipinilupot sa katawan ko.

Lahat kami ngayon ay nasa sala ng group dorm dahil kasalukuyang a-uno ng Disyembre at pinag meeting ulit kami ni dean ngayon para sa darating na pasko at maaring gawin.

Wala na kaming pasok ngayon at christmas break na.

Alam ko namang walang estudyante dito pag sapit ng mismong pasko dahil nasa kaniya kaniya silang mga bahay nila pero syempre bago sila magsipag uwian sa mga tahanan nila may magaganap paring selebrasyon para sa lahat at sa nararapat na okasyon ng pang buwan ng disyembre.

"Ang bobo. Alangan maginaw kasi may snow storm mag-isip ka nga!" Si Moirie na kaagad sumigaw.

"HAHAHA bobo ka daw payag ka non?" Si Nordy na nakisali sa pang-aasar.

Kaagad naman kaming nagtawanan. Napangiti nalang ako ng marealize na sa ilang buwan naming magkakasama sa wakas at nabuo na ang pagkakaibigan ng lahat. Hindi ko man nakaka usap madalas ang iba sa kanila pero ang maganda sila sila ang magka-kaibigan.

"Merry Christmas." Tinampal ko sa braso si Ralger ng ipatong niya nanaman sa leeg ko ang muka niya.

Tapos na kaming magplanong grupo para sa darating na okasyon. Kasalukuyang dalawa nalang kami ni Ralger sa kwarto niya sa group dorm.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now