Chapter 8

393 11 0
                                    

Lost

"Kuya wala pa ba?" kabang kabang tanong ng mga tao sa likuran.

Kasalukuyan na kaming nasa sasakyan at ang puwesto namin ay ganon padin katulad kaninang papunta palang kami sa bayan ng rotona, humupa narin kahit papaano ang luha ko sa pagdaan ng oras.

"Wala pa nga po eh." Takang sagot ng driver na kahit siya mukhang hindi sigurado sa mga sinasabi at sasabihin palang.

Kahit ako nakaramdam ng kaba ng mag sink in sa isip ko na naliligaw kami ngayon. Halos dalawang oras na kaming bumabyahe at hindi parin kami nakaka uwi, what the hell is happening?

Madilim na sa buong kapaligiran at wala ng ibang sasakyan tanging ang liwanag nalang ang nagmumula sa aming sinasakyan. Napakaganda pa ng buwan ngayon at mga bituin

"Kuya kanina pa po tayo paikot-ikot sa paligid wala naman pong patutunguhan ito." Seryosong sabi ni nordy sa harapan ng mapansin na pasukal lang ng pasukal ang paligid at walang sign na malapit na kami sa paaralan ng rotona.

"Sige po baba po muna ako at titingin sa paligid." Kahit naguguluhan sa paalam ng driver hinayaan namin siya at baka expert siya sa mga larangan ng pagkawala sa mga daan dahil narin sa driver siya at isa pa si dean ang nagpadala sa kaniya kaya hindi namin kailangan mag alala.

Nakabukas ang dim light sa kotse kaya kahit papaano may liwanag naman sa loob, sadyang madilim lang sa labas. Hindi ako mapakali hanggang ngayon, kanina pa ako may nararamdamang kakaiba paalis palang kami.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan pagkapasok na pagkapasok ko palang. Umupo ulit ako sa puwesto ng bintana sa pangalawang row ng sasakyan at hindi na pinansin kung sino man ang tatabi sa akin, maya maya naka sunod narin ang grupo at walang nangangahas na magsalita dahil naiilang sa nasilayan sa akin.

Hindi ko din naman alam kung ano ang maaring isagot sa kanila kung may itatanong man sila kaya mabuti narin na ganong tahimik sila at nirerespeto ang pagiging pribado ko.

Hindi pa tumatagal ang pag upo ko sa sasakyan tumabi na sa akin si Ralger. Nakita ko pa ang pag sulyap sa akin nito pero mabilis niya nalang binaling sa harapan ang paningin ng maramdamang wala akong balak makipag usap o magsalita manlang. Nakasarado na lahat-lahat ang sasakyan pero hindi parin umaandar na mabilis kong i-pinagtaka.

Nilibot ko ang paningin at nakitang wala pa pala yung driver, hindi ko alam kung napapansin nila na wala pa yung driver at hinahayaan lang o ayaw lang talaga nilang gumawa ng ingay kaya ang tahimik parin hanggang ngayon at parang walang napapansin sa paligid.

Maya maya lang pumasok na ang driver, kumunot ang noo ko ng makitang nilibot niya pang muli ang paningin sa buong paligid na para bang kinakabisado ito o parang may hinahanap at pagkatapos non umandar na kami.

Habang bumabyahe nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam hanggang sa hindi ko na namalayan na naliligaw na nga kami ngayon.

Napapalunok ako ng bumalik sa isipan ko ang kasalukuyan. Parang wala paring nararamdaman na kakaiba ang mga kasama ko sa madilim na kapaligiran sa ilalim ng makinang na bituin at maliwanag na buwan.

"Tabi tabi." Kinakabahang sabi ko at punta sa drivers seat ng may mapagtanto.

Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Ralger at pagseryoso.

"The hell are you doing?" Naiinis na tanong niya.

"Anong ginagawa mo! Allora!" Baling sa akin ng mga taga likod.

"Mag seatbelt kayong lahat." Nanginginig ng sabi ko at hindi na magkamayaw sa pagsuot ko ng sariling seatbelt sa driver's seat dahil sa pagkataranta.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now