Chapter 13

391 10 0
                                    

Searching

Sobra na ang hingal ko sa paglalakad ng mag ilang oras na ang nakalipas at nasa kalagitnaan parin kami ng kagubatan.

"Bakit kaya hindi nalang natin gamitin yung teleportation ability ni Nordy?" Hinihingal at desperadong tanong na din ni Roy.

"Hindi ko na din kaya bro. Sobrang pagod na ako baka magkamali ako sa pag gamit at mas lalo tayong maligaw." Sagot ni Nordy na parang gusto nalang umupo sa gitna ng kagubatan.

Nakakaramdam na ako ng hilo at parang mahihimatay na. Magkahalong pagod at gutom ang nararamdaman ng bawat isa sa amin ngayon. Meron kaming mapa at compass na dala pero sa tatlong oras na paglalakad namin wala parin kaming nasisilayan o natatanaw manlang na bahay. Puro puno lang at iba't ibang halaman.

"Wala bang taga Tirna sa inyo?" Hinihingal na tanong ko sa kanila. Baka kasi laki sila sa lugar na ito at baka mas madali kung sila nalang ang mag lead ng mga daan kesa sumunod pa sa mapa at compass. Sobrang nakakapagod.

Nagtinginan sila at sabay sabay na umiling. Gusto ko ng maiyak dahil ngalay na ngalay na ang paa ko at mga likod dahil sa buhat na malaking bag.

"Magpahinga nalang muna kaya tayo dito at ipag patuloy nalang bukas bago sumikat ang araw?" Si Moi.

"Hindi ba tayo inaasahan na dadating ngayong gabi ng may ari ng bahay?" Paniniguro ni Hazel na mukhang pagod na din.

Napaisip kami doon at nagpasya na magpatuloy nalang sa paglalakad. Naliligo na ako sa sarili kong pawis at pumupungay na ang mata dahil sa sobrang antok.

"Ayos ka lang? Oh!" Mahinang bulong sa akin ni Mortezo at abot ng bimpo para punasan ko ang pawis ko.

"Salamat" tumango ako kasabay ng maikling sagot ko at kuha sa bimpo.

Madilim sa nilalakaran namin at kahit papaano nakakatulong naman ang liwanag ng buwan at mga flashlight na dala namin pero isa lang ang naka bukas dahil kailangan naming magtipid sa liwanag at hindi namin alam kung hanggang kailan pa kami maglalakad hanggang makapunta kami sa bahay na itinuturo ng mapa at ni Dean.

Sa totoo lang ang ganda ng mga bituin ngayong gabi at ng buwan kung titignan at pagmamasadan mo. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa madilim at tahimik na kapaligiran na tanging mga kuliglig lang ang maririnig mo at ang bawat yapak ng mga paa namin. Walang kasiguraduhan kung masisilayan pa ba namin ang pagsikat ng araw. Kumpleto naman kami pero hindi ko maiwasang matakot dahil sa dami ng mga mission na nagawa na namin ngayon lang kami naglaan ng ilang oras at hindi parin kami nakakapunta sa totoong destinasyon namin.

"Tama ba talaga itong dinadaanan natin?" Medyo nanginginig na si Moirie dahil siguro sa sobrang pagod.

"I'm sure tama naman, baka malayo lang talaga ito." Sagot ni Nordy na siyang nangunguna sa paglalakad namin.

Muli kong tinignan ang mapa. May palatandaan doon na may malaking puno at isang batis. Tatawirin namin iyon at doon namin masisilayan ang bahay.

Pero sa ilang oras naming paglalakad madami kaming nakikitang mga punong malalaki at sa kadahilanang inaakala namin na iyon na yon. Wala kaming nakikitang batis kaya nagkaligaw ligaw na kami at mas lalong napalayo.

"Magpahinga na lang kaya tayo?" Napalingon kaming lahat kay Mortezo matapos makalipas ang isa pang oras at wala parin kaming nahahanap na kahit anong bahay.

Hindi ko alam ang opinyon ng iba pero walang sino man ang tumutol doon.

Mukhang pagod na din ang lahat.

"Sige maghanap nalang tayo ng medyo patag na lupa para makalatag tayo ng tent." Si Nordy.

Naglakad pa ulit kami hanggang sa makontento sa paglalakad at tumigil kami sa isang medyo patag na lupa at walang masyadong puno. Malamig ang simoy ng hangin at parang nagsitaasan ang balahibo ko ng dumapo at maramdaman ko iyon.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now