Chapter 17

363 10 0
                                    

Pendant

Napalingon ako kay Moirie ng kumapit siya sa braso ko.

"Ang lamig ngayon." Mahinang bulong niya sa akin.

Kakalabas lang namin ng pinto ng buong bahay at palabas na rin kami ng gate ng buong mansyon. Kasalukuyang madaling araw na at tatahakin na namin ang isang side ng gubat ng Tirna para hanapin ang kaibigan ni lolo lito at makuha ang lunas sa kung ano mang sakit ng anak ng may ari ng pamamahay na ito.

"Mag-iingat kayo sa paglalakbay niyo." Iyon ang huling habilin ni lolo lito sa amin bago kami nagsimulang tumalikod sa kaniya at tuluyang makalayo sa buong lugar na iyon.

Madilim sa nilalakaran namin at walang kahit anong liwanag maliban sa kalahating buwan na aninag namin.

Paalis palang kami binaunan na kami ni lolo lito ng mga kakailanganin namin sa paglalakbay magmula sa mga flashlight, mga imbak ng pagkain na nakakain lang sa daan at hindi na kailangan i luto pa. Marami din siyang ipinadala sa aming mga bottled of water dahil iyon ang mas makakatulong sa amin.

"Malayo layong paglalakbay talaga 'to." Napalingon kami kay Nordy na nagsalita sa harapan namin at may hawak ng iisang mapa na siyang bigay ni lolo lito. Si Nordy ang nag li lead sa daan katabi nito ay si Mortezo na katulong naman nito.

"Maaga pa naman, tingin ko naman makakapunta tayo doon bago mag gabi ngayong araw." Umaasang sabat ko sa kaniya.

Nagsi tango naman sila at nagpatuloy sa paglalakad. Nagkukwentuhan naman ang lahat habang nag lalakbay kaya nalilibang ang bawat isa. Kaya hindi namin namalayan na nasa dulo na kami ng tulay at patungo sa gawing kaliwa ng tulay para sa direksyon na itinuro ni lolo lito at ng mapa.

"Hala ayoko matakot huhu!" Kumapit lalo sa braso ko si Moirie ng simulan naming tahakin ang lupa at unti unti naming naaninag ang gubat.

Nilibot ko ang paningin ko sa gubat at kumpara sa unang gubat na tinahak namin kahapon mas malalaki ang mga puno dito at mas madamo kaya medyo mahirap makapag lakad dahil nakalubog ang mga paa namin sa mga dahon.

Pasimple akong tinignan ni Ralger na nasa likuran namin kaya binitawan ko muna si Moi at ambang mag aayos ng sapatos kaya nahuli ako sa paglalakad at mapantayan ko si Ralger.

"Take care okay." Hinatak niya ako sa puwesto niya at mahinang binulong sa akin iyon at binigyan ako ng marahang halik sa noo. Tumango lang ako at hinabol na muli si Moirie at humawak sa kaniya.

"San ka galing?" Nagtatakang tanong ni Moi ng makabalik ako sa tabi niya.

"Ah, inayos ko lang yung sintas ko." Pinilit kong huwag maging utal sa harapan niya para hindi niya maramdaman ang kaba ko.

Mukhang hindi niya napansin iyon at ng mga kagrupo namin ang nangyari sa likod.

Hindi ko alam kung hanggang kelan na ganito.

Pero hindi ko rin alam kung paano ko masasabi kung sakali dahil wala naman talaga.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa ang magaan na pakiramdam na nagmumula sa tulay ay unti unting napawi at napalitan ito ng bigat at pagkabagabag. Parang kahapon lang habang nasa gubat kami.

Hindi ko alam kung nararamdaman din nila iyon o ako lang dahil sa taglay kong abilidad na malakas ang pakiramdam at mas advance ito kesa sa iba.

Malamig ang paligid kasama pa ng madilim na kapaligiran. Tanging mga yapak lang namin sa mga dahon ang naririnig namin at parang mga tuyot pa iyong iba na mga dahon kaya maingay.

"Teka lang." Kinabahan agad ako ng patigilin kaming lahat ni Nordy sa paglalakad at bumulong sa amin.

"Ha bakit?" Mas lalo kong naramdaman ang pag higpit ng yakap ni Moirie sa braso ko habang nanlalamig ang mga kamay.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now