Chapter 24

311 6 0
                                    

Confess

"Nasagot mo yung dalawang natitirang likido?" Si Moirie sa tabi ko habang tinatahak namin ang daan pabalik sa kaniya kaniyang dorm.

"Oo pero hindi naman ako sure kung tama." Kaswal na sagot ko sa kaniya.

"Asus ikaw pa‚ ako nga walang sagot pag ikaw nakakasagot kahit hula tumatama lagi. Hmpp wala nga akong matandaan sa mga binasa ko." Mahabang litanya niya at pag ra-rant sa akin.

"Hindi ko na kasalanan yan." Pang-aasar ko sa kaniya at pag tawa ng bahagya.

Nakita ko ang pag-irap niya sa akin.

"Pero yung pangalawa sa huli na likido. Yung asul?"

"Oh?" Tanong na tugon ko sa kaniya.

"Parang 'yon yung nasa misyon natin no'ng nakaraan yung binigay ni Jaime. Nalimutan ko lang yung tawag. Sayang mukhang malaking points pa naman yon. Alam mo ba tawag? Tapos naman na exam."

Inirapan ko siya at binalingan.

"Water of life!" Mahinang saad ko.

Nakita ko ang magkasabay na pagkagulat at panghihinayang sa muka ni Moirie.

"Yun nga! Badtrip naman nalimutan ko pa. Sabi na dapat sinama ko si Monique sa pag re-review diba healer naman siya mukhang sisiw naman pala sa kaniya yung mga likido na nando'n sa exam natin." Mahinang bulong niya sa akin halatang ayaw may makarinig sa pinag-uusapan namin.

"Goodnight." Nakangiting paalam sa akin ni Moi matapos namin maghiwalay para sa direksyon ng mga dorm namin.

Humikab pa muna ako bago ako pumasok sa loob ng dorm ko pagkalabas ko ng susi sa bulsa ng bag ko. Ang kaso papasok na sana ako ng pintuan ng may biglang tumulak sa akin papasok sa dorm kaya na out of balance ako dahilan para ikatumba ko 'yon sa sahig kasabay ng kalampag ng pintuan‚ sign na nasarado din yon.

"Aww!" Mahinang daing ko sabay tingin sa siko dahil iyon ang lubusang nadali.

"I'm sorry." Nanlalaki ang mata kong napabaling sa likuran ko ng marinig nanaman ang pamilyar niyang boses.

Nakita ko pa ang paglahad niya ng kamay sa akin‚ gusto akong tulungan sa pagtayo pero hindi ko tinanggap 'yon.

"What the fuck are you doing here?" Napatayo ako at umuusok ang ilong sa sobrang kaba ng napalingon ako kay Ralger na kasalukuyang nakatayo sa harap ng pintuan at nakapasok na sa loob ng dorm ko.

Napasilip pa ako sa bintana ng dorm ko at baka may makakita sa amin baka mapatawan pa kami ng parusa. Bawal kasi magsama ang babae at lalaki sa isang dorm unless by group kayo.

"Walang tao ng pumunta ako dito." Siya ng mabasa ang maaring iniisip ko.

Sinulyapan ko siya ng matalim.

"Paano mo nalaman ang dorm ko?" Mariing tanong ko sa kaniya.

Kaya lang mas nairita ako lalo ng mas mukha pa siyang galit sa akin at mas madalim pa ang mga mata na dapat ako.

"Why you're so mad?" Sarkastikong tanong niya.

Parang ako pa ang naguluhan sa inaasta niya.

"What do you expect from me? Mag enjoy? Pumunta ka lang naman dito at gabing gabi na Ralger. Sa ilang buwan na pananatili niyo dito alam ko namang alam mo rin na bawal magsama ang isang lalaki at babae sa iisang dorm diba? Mapaparusahan tayo nito kahit sandali lang." Nag-aalalang mahabang pagpapaliwanag ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya at tinignan ako ng masama.

"We already talked about this right?" Siya sa seryosong boses.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now