Chapter 18

349 7 0
                                    

Giant

"Dito tayo." Mahinang usal ni Nordy sa harapan ng magpatuloy kami sa paglalakbay.

Hindi parin ako makapaniwala sa nasilayan ko kanina mula sa kwintas na bigay sa akin ng isa sa estudyante ng magkakaibigan sa rotona high.

Kailangan kong magpasalamat sa kaniya pag nakabalik na kami sa paaralan dahil kung wala yung kwintas baka hindi na kami nakakalakad ngayon.

Hindi ko parin alam kung anong meron sa kwintas at biglang umamo yung mga hayop pero ang mahalaga ay naligtas kami nito.

"Akalain mo nga naman nag advice lang sa pag-ibig naligtas na hahaha." Inirapan ko si Moirie ng hindi parin siya tumitigil sa pang aasar sa akin.

Inilingan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi na kami gumagamit ng flashlight dahil naabutan na kami ng liwanag pero nanana tiling malamig ang hangin dahil sa umagang oras.

"Wala pa rin tayo? Grabe naman tong misyon na 'to!" Kaagad nag reklamo si Roy ng makaramdam ng sobrang pagod.

"I'm thirsty." Si Monique iyon.

Napabaling ako sa kanila ng huminto silang lahat sa paglalakad.

"What?" Takang tanong ko, naguguluhan.

"Kumain muna tayo Allora, baka mamatay na tayo sa daan." Si Mortezo sa seryosong boses.

Tumango lang ako at naupo sa isang batuhan na nakita.

"Ohh."

"Thanks." Maikling tugon ko ng abutan ako ni Hazel ng isang tinapay at bottled of water.

"Pagod ka na rin ba?" Nilingon ko si Mortezo ng tabihan niya ako matapos maka kuha ng sarili niyang pagkain.

"Lahat naman yata tayo pagod." Tugon ko sabay kagat sa tinapay na hawak ko.

"But still you're stunning." Namula ang pisngi ko ng ibulong niya sa akin iyon tapos ngisi ng makita ang reaksyon ko.

"Huy tigilan mo nga ako." Hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya habang natatawa para hindi niya maramdaman ang ilang ko.

"It's still a long way to go, c'mon we need to hurry!" Napatayo kaming lahat ng seryoso iyong sabihin ni Ralger sa harapan naming lahat.

Sa totoo ngayon lang siya nag salita ng ganyan sa harapan naming lahat dahil ang kinakausap lang naman niya yung mga kagrupo niya lang since pumasok sila sa rotona high.

Pero tama naman siya baka pag nagtagal pa kami doon baka abutan kami ng mainit na sikat ng araw tapos wala pang kahangin hangin sa gubat.

Nag patuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa may madaanan kaming madaming mga kumpol kumpol na lupa. Para siyang nasa tsokolateng hurma na bundok pero hanggang mga paa lang namin ang taas. Madami siya at hile-hilera.

"This looks cool!!" Excited na sabi ni Moirie at hinawakan sila isa isa.

"Huy tama na yan." Hinatak ko siya at pinatigil ng masyado na siyang nawiwili doon.

Nagkibit balikat lang siya at sumunod na sa amin.

"Malapit na yata tayo." Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon mula kay Nordy.

"Huh? Paano?" Interesadong tanong ko.

"Meron kasi dito sa mapa na parang mga maliliit na bundok palatandaan na malapit na tayo, yung nadaanan yata natin yun kanina." Nagdiriwang na usal niya pa.

Hindi ko napigilan na makaramdam ng saya ng malaman iyon. Hindi na kami matigil ni Moirie kakalundag habang nagpapatuloy sa paglalakad.

"Oyy ingat baka matisod kayo diyan." Pinaalalahanan kami ni Mortezo ng makitang masyado kaming masaya.

The Command of HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum