Chapter 1

578 10 0
                                    

Punishment

Akala ko noon masaya kung may bagong mag aaral na papasok dito sa rotona dahil narin sa tagal ng walang mga bagong students, kapag naka graduate ka na kasi sa paaralan na ito magtuturo ka o maninilbihan sa mga karatig bayan at hindi mananatili sa paaralan ng rotona, walang bagong mga dating na estudyante kaya umoonti ang mga mag aaral kada taon.

Not until dumating itong apat na ito.

"Doon tayo" bad mood parin na sabi ko.

Currently we're in the cafeteria again kasi lunch time na, bad mood na nga kaming fab4 mas lalo pang lumala ng makita namin na yung bagong apat na estudyante ay naka upo sa puwesto namin sa cafeteria, kami lang dapat ang umuupo sa puwesto na yon, hanggang sa narealize ko na part na nga pala sila ng fabulous group.

"Anong doon allora, makihalubilo tayo sa mga baguhan magagalit nanaman si Mrs. Darly sa atin nan at baka maparusahan pa tayo." Mahabang sabi ni Roy na nag abala pang magsalita ng ganoong kahaba akala mo naman may pake ako.

"Ngayon lang naman atsaka ayoko muna di ako ready maki pag plastikan sa kanila." Pag irap ko.

"Tara na." Mabilis kong sinangga yung kamay ni Mortezo ng akbayan niya ako.

"Ano ba, akala ko ba ayaw niyo din sa kanila?!" Mariin na bulong ko sa kanila.

Napailing na ako ng hatakin nila akong tatlo papunta sa puwesto ng fabulous group.

"Hi" masiglang bati ni roy.

Buti nalang at sa grupo namin kahit papaano may madaldal dahil for sure kung hindi nagsasalita si roy walang babati sa amin, tahimik lang si moirie at si mortezo at wala naman akong balak kausapin sila.

Nagngit ngit yung mga ngipin ko ng pati sa puwesto ng upuan kinuha na nila.

Nakaupo na lahat lahat sila moirie ng ako nalang ang nakatayo, nilakihan ako ng mata ni mortezo na sinasabing maupo na ako, pero ang bakante nalang na puwesto ay katabi nung bagong lalaking nakasalamin. Nakita ko ang pag baling nilang lahat sa akin ng mapansing nakatayo parin ako.

"Ah dito ka nalang sa puwesto ko para katabi mo yung kaibigan mo ako nalang diyan." Nagulat ako ng bahagya ng makita ko ang pag tayo ng maamong babae at alok sa kinauupuan niya na puwesto ko naman talaga.

Napairap ako at binalewala ang sinabi niya lumakad ako at pumunta sa kabilang lamesa.

Nakita ko pa ang pag ambang tayo ni moirie para sundan ako.

Bumalik ako galing sa kabilang lamesa habang bitbit bitbit ang isang upuan. Hindi ako lilipat ng lamesa akala ng mga ito kahit ayoko sila kasama sa mesa hindi naman ganon kasama ang ugali ko.

Hindi pa ba allora?

Nakita ko ang pagbuntong hininga ng tatlo kong kaibigan.

"Waiter!" Sigaw ko

Nakita ko ang pagkagulat ng mga baguhang estudyante.

Bakit ba gulat na gulat ang mga ito first time maka kain sa cafeteria?

Mabilis akong pumuli ng kakainin ko at ganon din ang mga kagrupo ko.

"Sainyo ho?" Malumanay na tanong ng taga kuha ng order, hindi ko sila pinansin at nagpanggap na parang walang naririnig at nakikita.

Napabaling lang ako sa kanila ng tumayo silang apat, nakita ko din ang pagkagulat nila roy.

Napakunot ang noo ko ng makita ko silang pumunta mismo sa counter at doon pumili ng makakain. Nakita ko ang pag baling ng mga estudyante sa kanila at pagbubulong bulungan nila.

The Command of HeartWhere stories live. Discover now