01: This Is My Life

19.7K 274 5
                                    

"Ate, nagugutom nako. Kailan ba tayo makakakain?"

"Sandali na lang." sagot ko sa kanya. Dinala ko siya sa bagong bukas na lugawan sa kabilang subdivision na, walking distance lang naman ang layo sa apartment namin.

"Dalawang order nga po ng lugaw. Plain lang po tapos dalawang toge. Salamat." tumingin ako sa kapatid ko na nangangayayat na at mukang gutom na nga.

"Ren, sorry ah. Ito lang ang makakaya kong pagkain natin ngayon eh. Babawi ang ate sa susunod."
Ngumiti siya sa akin "Okay lang 'yon ate! Mabubusog naman ako eh."
Aww. Kahit kailan talaga understanding 'tong kapatid ko, kaya mahal ko 'to eh.

Paano, si Papa binigyan ko ng pera para pambili ng pagkain nitong si Ren pero pinang-inom na naman ata. Anong oras na? 10pm na!
-------

Umuwi na kami sa apartment at natulog na rin si Ren. Sumilip ako sa bintana at jusmiyo! Alas dose na ng madaling araw, wala pa rin yung magaling kong tatay. Syempre kahit **** 'yon, nag aalala pa rin ako don!

Biglang bumukas ang pintuan, hindi ako nagkamali, lasing si Papa.

"Oh, andito ka na pala anak. Ano, kumain ka na ba?'' Sus. Kunyari nag aalala, hindi naman talaga. Lumulusot lang ito dahil alam ko na kung saan napunta ang perang binigay ko sakanya eh.

"Pa, ilang beses ko bang dapat sabihin na wag na kayong iinom? Kita nyo na, 'di na naman nakakain si Ren sa oras! Anong oras nya na ininom yung gamot niya? Papa naman. . ."

Lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak sa pader.

"Sinusumbatan mo na ba ko ngayon?! Ano porke nagtatrabaho ka na?! Bakit, sumusweldo ka ba ng malaki?! Wala kang dapat ipagmalaki sa akin ah! At wag mong pinapakealaman ang pag inom ko! Bwisit!" Talaga Pa, lagi ka na lang ganyan! Nakakainis na!

"Ano, Pa? Ganyan na naman kayo?! Papa namin kayo at responsibilidad niyong alagaan kami! Si Ren! Lalo na ngayong may sakit siya! Mas inaatupag nyo pa yung pag inom nyo eh! Wag ka namang maging selfish Pa. . ."

Hinawakan niya ang braso ko, hindi lang ata hawak, may kasama rin kurot kase ang sakit eh.

"Ano ba'ng pakialam mo?! Ng dahil sayo kaya namatay ang mama mo! Kaya wag kang sumasagot ah!"

Sasampalin na niya sana ako pero pinigilan ko siya. Sobra na eh. "Papa. . .tama na." naiyak na naman ako dahil naalala ko na naman si Mama.

Binitawan niya ang braso ko at padabog na pumunta sa kwarto niya.

-Flashback-

"Anak! Lumabas ka na!"
"Ha? Pero mama, ayoko po kayo iwanan dito! Mama!"
"Bilisan mo na! Nasusunog na ang buong bahay! Isama mo si Ren."

Hinalikan niya kami sa noo at iniabot ang kumot na naglalaman ng mahahalagang papeles. Inilabas niya kami sa pintuan. Pero bumagsak ang parte ng kisame kaya nasunog siya sa loob. Hinatak ko na si Ren pero may mga kataga akong narinig bago tuluyang lisanin ang nasusunog na bahay.

"Mahal k-ko . . .kayo"

end of flashback-
---- +

Ahhh! Inaantok pa ko! Pero kaikangan ng bumangon. Hay, ewan ko ba kung bakit ganito kaaga ang pasok as officeworker.

Naligo muna ako at nag ayos. Pinagluto ko muna ng almusal si Ren at Papa bago ako umalis.

Sumakay ako ng bus. Diretso na kase to sa pupuntahan ko eh.

I'm Catherine Nicole Reyes, and this is my life.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now