17: Sorry

8.6K 142 1
                                    

Sinong gusto ng fback sa social networks? I do follow back!

If you want, you can follow me on IG and Twitter--> @SasaCookieKeyk
---+
Gusto mo mamasyal tayo pagkauwi ko? Half day lang ako ngayon!" Sabi ko sa nakahigang si Ren na mukang nanghihina na. Hindi na siya kagaya ng dating Ren-masigla.

Umiling lang ang bata. "Okay sige, mag snake and ladders na lang tayo. Pakabait ka ha? Love you Renren!" Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka sa noo and he did the same. "Love you too ate."

Tumayo na ako sa tabi niya and I was about to open the door when he said "Bye bye ate!" Napalingon ako at kumakaway pa siya. Parang iba ang dating ng bye niya sa akin. Lumapit uli ako sa kanya at hinalikan siya. "Love ka ni ate, ha?" "Opo ate, love din kita. Bye ate you're going to be late! Bye ate ko." Niyakap niya pa ko uli.

Pakiramdam ko ito na ang huling pagkikita namin. Hay napaka nega ko talaga! Cheer up! Maglalaro pa kami ng snake and ladders mamaya eh.

Tinapos ko agad ang paper works at inedit ang files sa USB then lunch time na!

"Cathy, tara lunch tayo!" Sabay hawak sa braso ko.

"Ano ako panakip butas? Yayayain mo akong mag-lunch kasi wala kang kasama?"

"Ih, hindi naman sa ganun eh. Nag away kasi kami. Hmp! Hayaan mo siyang makipag lunch doon kay Farrah! Tara na nga lang! Ayokong pag-usapan!"

Tapos hinatak na niya 'ko sa cafeteria ng building.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain, tumawag si tita sa akin.

Isang di magandang balita ang natanggap ko.

Patricia's POV

"Hindi, pakipasa na lang iyong USB sa boss natin. Una na ko." Lumuluhang iniwan ako ni Nikky. Halos di pa niya ubos ang pagkain niya. Kawawa naman siya, malulungkot na naman siya ng sobra.

"Patricia! Please kausapin mo na 'ko." Tapos hinawakan niya ko sa braso.

"Please lang Julius, stop bothering me may gagawin pa ko!" Binawi ko ang braso ko sa kanya at dali-daling kinuha ang USB na pinapapasa sa akin ni Nikky.

At ang lokong Julius, hindi naman ako sinundan! Hmp! Nakakainis talaga siya, he's getting into my nerves! Mas gusto niya talaga doon sa Farrah -rot na iyon?! Grrr I hate himm!

Sakto namang nakasalubong ko si boss kasama ang secretary niya. "Sir, pinapaabot po ni Catherine." Nakayuko lang ako habang sinasabi iyon. He hurriedly grabbed the USB and shouted at me. "Asan si Catherine? ASAN SIYA?!" Like what the hell is wrong with him?!

"S-sir s-sa *insert hospital name here* hospital po Sir." I'm getting nervous. Tapos nagmadali siyang umalis.

I think he's going to that hospital to see Nikky. Bakit kaya ganun siya? Kay Catherine Nicole lang mabait!

Cathy's POV

Unti-unti kong binuksan ang kumot na nakatakip sa muka niya. Parang malakas na ulan iyong luha ko kasi naguunahan silang magbagsakan eh.

Si Ren. Si Ren nasa morgue na. Wala na si Ren.

Napaupo ako sa sahig habang nakahawak pa rin sa hinihigaan ng kapatid ko.

Nakita ko rin na naiyak si tita. "Iwan m-muna kita." At lumabas siya ng morgue.

Tumayo ako uli at hinarap ang maputlang kapatid ko. "Sabi ko diba maglalaro tayo ng snake and ladders pagkauwi ko? Bakit naman hindi mo muna hinayaang ma-hug kita uli?" Naiiyak pa rin ako. Ilang beses ko ng pinupunasan ang luha ko pero nagbabagsakan pa rin sila.

"Bakit naman kasi nag-suffer ka agad sa ganyang sakit. Ang bata bata mo pa." Pero ano ba naman ang magagawa ko kung pinahiram lang naman talaga sa kanya ang buhay na meron siya? Anong magagawa ko kung oras naman na talaga?

Gusto kong magwala sa mga staffs at mga doktor ng ospital na pagalingin nila ang kapatid ko pero alam ko din useless lang iyon. Alam naman nating ginawa din nila yung best nila at hindi sila Diyos para madugtungan ang buhay ng kapatid ko.

Pakiramdam ko nawalan ako ng isang paa, hindi na makakalakad dahil kulang na ng isa, hindi ko alam kung sinong gagawin kong motivation para magpatuloy pa lalo na't para kay Ren lang naman talaga lahat ng ginagawa ko.

Accepting is a hard thing to do, but we have to, and we must do. "Ren mami-miss kita ha? Pakamusta na lang ako kay mama, pakisabi rin na love ko rin siya, love you both. Guide niyo kami lagi ni p-papa ha? Hayaan mo Ren, papatawarin ko na si papa, bigyan mo ko ng lakas ng loob ah?" Hinaplos ko ang ulo niya saka binalik ang kumot sa mukha niya.

Ayaw pa rin tumigil ng luha ko kaasar! Binuksan ko ang pinto at bumungad ang muka ng papa ko.

Automatic na napayakap ako sa kanya at ginawa ko na atang panyo ang shoulder niya. He just tapped my back and I felt comfortable.

---+
"Iyan, iyan na ang buwisit na sinasabi niyo. Wala na si Ren." Sabi ko out of the blue. Ewan, iyon siguro iyong nasa utak ko kaya kusang gumalaw ang bibig ko para sabihin iyon kay papa habang katabi siyang naka-upo.

"Anak, hindi ako masayang nawala si Ren. Nagsisisi nga ako, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Anak--" hindi ko sya pinatapos.

"Bakit mo ba talaga kami iniwan pa? Hirap na hirap kami noong nawala ka. Para kaming puno na nawalan ng stem! You left us hanging pa! Pwede mo namang baguhin ang sarili mo habang kasama kami, pakiramdam ko naulila kami that time. Hindi ko alam kung paano kita mako-contact, kung saan ka tumutuloy. Hirap na hirap akong magpalaki kay Ren. Noong recognition niya, gusto niya na makapunta ka pero hindi, ako lang ang nakapunta. Pinaliwanag ko naman sa kaniya iyong nangyari at naintindihan niya iyon pero alam ko na nahihirapan siya. Araw-araw hinahanap niya ang presensya mo. Pa naman eh..." Mahinahon lang akong magsalita at naiiyak iyak pa 'ko.

He just hugged me and let me cry on his chest "Alam kong mali ang ginawa kong pag-iwan sa inyo. Kaya nga kumakatok uli ako sa iyo para matanggap mo uli ako at mapatawad. Sorry anak, sinasabi ko, babawi ang papa. "

I missed his hug. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Buhay pa si mama ng huli akong yakapin ni papa ng ganito kahigpit. Sana lagi ko itong maranasan. "Na miss kita pa, na miss ko ang yakap mo. Pinapatawad na kita, pa."

And I guess, everything is worth by waiting. Nasabi ko na kay papa. Ren, ayos na kami ni papa!

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now