30: Other Side

6.9K 117 1
                                    

Matapos ng nangyaring sagutan namin ni Gray, dalawang araw na akong hindi pumapasok.

Alam naman na ni Pat ang reason kung bakit. Pati si papa alam na, hindi naman ako nagsisikreto sa kanya.

Ngayon, mas nauna na naman akong nagising sa alarm ko and planning not to go to work.

Mag-resign na kaya ako?

Napakunot ang noo ko sa naisip ko. Hindi pwede! Ay teka, bakit hindi? Ayoko na nga munang mag-isip.

"Anak, hindi ka na naman ba papasok?" Unti-unti niyang binuksan ang pinto saka umupo sa tabi ko. Hiniga ko ang ulo ko sa lap niya. "Parang ayoko pa." Hinaplos niya lang ang ulo ko at niyakap ako. "Mag-breakfast ka at pumasok ka na." He kissed my forehead before he left my room.
---+
Maaga pa ng bumyahe ako dahil sabi ko, gusto kong pumunta sa park. Kaya ngayon nandito ako at nakaupo sa bench. Medyo malapit lang din ito sa company.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa malakas na hanging nararamdaman ko. Gusto ko na lang dito matulog. Nakakatamad pumasok.

"Bakit ayaw mo na akong mag-alala sayo? Ayaw mo ng tulungan at lapitan kita? Bakit nagsisisi ka na mangyari 'to? Minahal mo ba ang Leorence na iyon?" Napadilat ako at tinignan ang nasa tabi ko. Ang boss ko.

Kahit hindi ko alam kung paano siya napunta dito, sinagot ko na lang siya. "Ayaw ko dahil wala kang karapatan. Pangalawa, dahil wala ng rason para gawin mo iyon. P-pangatlo..." Hindi ko alam ang isasagot ko sa huling tanong niya. "Hindi." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Bakit ko pa ba siya sinasagot?

"Hindi mo siya minahal pero kung umasta ka parang may nabuo kayong relasyon at sinira ko iyon. Saka bakit, bawal ba mag-alala, bawal bang tulungan at lapitan ka bilang kaibigan?" He asked.

Bakit bilang kaibigan lang?

Argh! What am I thinking? Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"As I said, I will always going to protect you." Sabi niya.

"Sorry if I acted that way." Niyakap na lang niya ako bigla and sabay kaming pumunta sa company. Ang weird nga dahil parang nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil lang sa yakap niyang iyon, ito naman ako, nagpayakap naman. Ewan ko pero parang I feel secured when I'm with his arms and. . .beside him.

Nakasalubong pa namin si Bea. Oo, sa tingin ko hindi na siya dapat galangin dahil hindi siya ka-galang galang.

Sinamaan niya ako ng tingin, huminto ako sa paglalakad "Pwede bang mag-usap tayo?" Medyo maaga pa naman.

Tinanguan niya lang ako "Mauna ka na." Sabi ko kay Gray. Nag-aalala ang tingin niya sa akin pero bahagya ko siyang nginitian para ipakitang okay lang ako. Nginitian muna niya ako bago umalis.

Sa cafeteria kami nag-usap.

"Bakit mo ba ginawa lahat ng 'to?" Straight forward na tanong ko. Ayoko ng patagalin 'to.

"Ang alin?" Nakangiti pa siya na kunwari hindi alam ang sinasabi ko.
Bumuntong hininga ako. "Iyong mga pictures, bakit? Alam mo ba kung anong meron ni Leo sa amin?" Nainis ako bigla sa pagmumuka niya! Parang uminit bigla iyong ulo ko. Sino ba siya para gawin iyon?

She gave me a smile. A fake one. "Ginawa ko iyon para magkagulo kayo. Oo, alam ko kung anong meron sa inyo." Tapos tumawa siya na parang kontrabida sa isang teleserye.

"Bakit gusto mong magkagulo kami?!" Nakasigaw tuloy ako sa sobrang pagkainis sa mga inaasta niya ngayon.

"Actually, pinlano ko lang guluhin kayo nuong nag-confess sayo si Leo." Napakunot naman ang noo ko sa rason niya. "Oh, anong connect nung nag-confess si Leo--" nanlaki ang mata ko. ALAM NIYA IYON?! "A-alam mo iyon? N-nakita mo?" I asked. Bigla ako kinilabutan. Paano?

"Yep. Naalala mo, iyong nakasalubong mo ako sa hagdan ng roof top? That time." Anlawak ng ngiti niya na parang nang-aasar na ewan.

Napatakip ako sa bibig ko at biglang napayuko. "K-kaya nakita mong...nagkiss kami?" Hiyang tanong ko. Inosente ako that time! Wala akong alam na may nakatingin sa amin at the same time kinukuhanan na pala kami ng picture.

"Oo. Halata namang pinagseselos lang niya ako! Duuuhh."

"Teka nga! Bakit nga gusto mong magkagulo kami? Hindi na nasagot iyong tanong ko eh."

Nawala ang ngiti niyang kanina pa nasa muka niya. Nagtaka tuloy ako. May nasabi ba akong masama?

"Because I love him. I love Leo."

"A-ano? Paano?"

"Since were in a relationship." Mas lalo akong naguluhan. "When we're on college, magka-classmates kami. Gray went to Harvard dahil duon siya pinag-aral ng daddy niya. Sabi namin, gawin namin ang long distance relationship pero hindi rin nag-work because of me. " Nakita kong naluluha na siya. "Hindi ko naman ineexpect na magkakagusto ako kay Leo nuong college kame. I betrayed Gray. And that's *****t, I know. Bumalik siya dito at nalaman niya iyon. Nakipaghiwalay ako kay Leo noon because I can't afford to lose Gray.

Hindi ko pala kaya. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Leo at nagulat ako na gusto ka niya. Gusto ko kayong magkagulo sa pag-aakalang babalik siya sa akin. Pero hindi. Lahat nawala sa akin. Parehas silang nagalit sa akin. Lumayo sa akin si Leo at ngayon, this is the last time you will saw me here." Nagpupunas na sya ng luha this time. Eto pala yung isang side niya. May weakness din siya, ayaw niyang lumayo ang mga taong nakapaligid sa kanya. Natatakot siyang mawala sila. "Bakit?"

"Gray fired me." Hindi pwede ito.

"No, hindi pwede! Kakausapin ko siya!" Tumayo ako pero pinigilan nya ako. "Huwag na! You don't have to do that. Okay na sa akin iyon. I'm looking for a better life and I guess it would be better if I distance myself to Leo and Gray. Sorry Catherine. For all the troubles, I'm very sorry." Alam kong sincere siya sa mga sinasabi niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay na, nagkausap na kami ni Leo at Gray. Sigurado ka bang ayaw mo na talaga dito?"

"Okay lang." Ngumiti siya, and this time totoo na. Hindi na fake, genuine na.

"Sorry rin sa mga pinag-iiisip ko sayo dati. Akala ko bad ka mali pala ako." Sabi ko.

"It's okay. Alam ko iyon. Sige na, mag-work ka na." Nginitian niya pa ako. I just waved at her.

Habang papunta ako sa work place ko nakangiti ako.

She's nice.
---+
A/N: Malapit na nating ma-reach ang the end kaya kapit pa ha? :)

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon